Kapag kami nagka-selfie, HU U Kayo! Charot!

0 comments

Hiiii.
Lampas na ang pasko. Hindi kami bitter nor Sad. Super saya namin at kami ay nakapag pasko kahit na sya ay bugbog sa trabaho at ako naman ay palabas-labas kasama ang Mama. Ayoko talagang mag-emote at pasko nga, isa pa, first time mag-Pasko ng Mama ko na kasama ako. After 8years or 7. Nakakatamad magbilang. 😂😂

Anyway, ayun. Nabigla ako sa bigla nyang pag-Online! Nasa dagat sya nung pasko and for all I know, wala namang wifi doon na libre. Yun pala nagbayad pa maka online lang. Nahomesick. Hay. Ang hirap naman kase talaga. Malayo sa Pinas. First time pa nya sa abroad tas durugan sa trabaho.
Ilang gabe kong iniisip na mapapagod ng sobra yun ngayong season na 'to. Pasko, New Year. Nagiisip ako ng kung ano kayang magagawa ko para sakaling magkausap kami, hindi naman parang normal day lang.
Mula nung maging boyfriend ko sya, hindi ko na inisip ang pride ko. Lagi lang ako nasa lugar. At least, alam ko where to put myself.

Mula din nung maging boyfriend ko sya, parang na-refresh ang utak ko. Parang ang bright ng mind ko. Bigla biglang napapagawa ako ng tula, though maalam naman talaga ako, pero as in kahit di kelangang gumawa eh napapagawa ako. Tas ang sipag kong mag edit ng photos. Haha. Like, i want to feel na magkasama lang din talaga kami. Tapos matatawa ako kapag pinagdikit ko na ang photos namin.
"Haha. Parang magkasama nga."

Lapit na mag 2016.

MAGKAKA-SELFIE DIN KAMIIII.
HINDI HANGGANG EDIT LANG.



Mangyayare yun! Walang imposible pag ipinagdasal kay God. ❤❤❤

Hindi kami habang buhay LDR. Matutupad lahat ng pangarap namin.. 😊

Kapag maliit lang talaga ang mundo mo, yun na lang ng yun ang mababanggit mo. Ako masaya na ako sa ganito. Hindi ako mabarkada pero hindi naman ako anti-social. You know, maliit lang talaga yung mundo. Kaya pati tungkol sa lovelife naiiblog ko. Kasi dito, mapapakita ko kung sino ako, kung ano ang nasa isip ko, mababasa ito ng mga taong interesado at matalinong kagaya ko (uyyyy haha) mababasa ito ng mga taong nakakaintindi sa nararamdaman ko without annoying them na magpost ako sa FB ng status about sa lovelife.

Maganda nga mag blog. Kasi kapag nagshare ako ng link, meaning magki-click at magbabasa lang yung mga taong interesado. ☺☺

Napapalayo na ang usapan. LOL.
Eto na...
Here are some of our photos na ipinilit pagsamahin.
☺☺



From Friends to In a Relationship

0 comments

Law of Attraction

Naniniwala ka ba don? Ako lagi. Lalo na kapag ilang beses kong napapatunayan sa iba't ibang uri ng paraan. Pero madalas, naiisip kong malakas lang talaga ako kay Papa God. Kase lagi ko sinasabi sa kanya ang mga bagay na gusto kong makuha tas binibigay nya kapag pwede. Papa God 'yan eh. ☺👌

Makwento ko lang tong love story namin ng boyfriend ko.
We're classmates nung 2nd year highschool ako. Bagong transfer lang ako sa school na 'yun tapos sya ang una kong naging friend. Ang ingay ingay nya nga. Katabi ko lagi sya sa kaliwang side ng room na malapit sa bintana. Jinajamming ako tapos maya maya nangongopya na saakin ng assignment at pag quiz at exam.

Hindi ko akalain magiging kami. Dahil after nung 2nd year na yun, lumipat naman uli sya ng school at don sya lumipat sa school na inalisan ko. Tapos nun, wala na kaming balita sa isa't isa.
Tuloy ang buhay, kanya kanyang mundo.

Nung college naman, parehas kami ng University. Pero dahil nga hindi close, once nagkakasalubong kami, tanguan lang, batian lang. At parang once in a blue moon nga lang kami magkasalubong.
Wala akong balita sa kanya. Wala din sya g balita saakin. 90% strangers. 10% friends. Haha! 😁😁
Nakakapagtaka nga at hindi din talaga kami nagkakasama sa tambayan. Palibhasa magkaiba kami ng mga direksyon sa buhay. ☺☺

Pero kahit di kami close friends sa tunay na buhay, di nagkasama sa inuman, tambay etc etc... friends kami sa Facebook. Haha! Lahat na lang friend natin sa Facebook kahit hindi natin kakilala di ga.

At syempre dahil nga medyo strangers ang datingan namin, busy kami sa kanya kanyang buhay, may girlfriend sya, may boyfriend ako.
Bigla akong naging interesado sa kanya. Not like I want to be his girl. Parang nagulat lang ako na after so many years, si bulakbol lang ang alam, naging Chef na.  Haha! Napa Wow na lang ako nung nakita ko, and bigla kong nasabi sa sarili ko, "Gusto ko sya. Dahil parang kelan lang nangongopya sya saakin ngayon naman ganito na."
I like those kind of people na akala mo walang mga pangarap sa buhay noon dahil nga bulakbol lang ang alam at ayaw mag aral tapos mabibigla ka na lang sa kung anong mga kaya nilang gawin sa present. Don't judge talaga. Lagi akong nag aabang ng mga taong ganon eh, at I am so glad I found him.

One year na ako dito sa Spain, at nung mga panahong hinahangaan ko sya, I found myself typing a question sa messenger at nagtanong ako kung paano magprito ng chicken legs na hindi raw ang loob. Obviously, alam ko naman kung paano dahil mahilig akong mag-luto din. Haha! The moves. Pero on the other hand naman eh kung may iba pa syang way na alam eh di additional knowledge ko na din di ga. 😂😂
Tapos nag reply sya. Tapos doon na nagumpisa ang kumustahan naming dalawa. 7 hrs ang advance ng Pinas noon sa Spain at nakakatuwa dahil lagi syang gising pa sa mga oras na hindi ako makatulog sa pagkahomesick ko at lalo kapag down ako, at may love problems ako (Oo. May boyfriend ako nung time na yon.)

Lage nya akong inaasar once magsimula ako magdrama. Lagi nya akong pinapayuhan kahit hindi ko naman hinihingi. Haha. At doon ko napatunayan na magkakasundo kami. Gusto ko syang mag-isip. Gusto ko sya kung paano sya magsalita saakin, gusto ko kung gaano sya kalalim. Yung lalim na ang sarap lusungin dahil ganoon din ako kalalim magisip. Mental connections. Sobrang the best ang ganoon.

Wala naman kaming balak maging magka relasyon, may kanya kanya kaming jowa. Masarap lang talaga kaming mag-usap.
Ang open minded namin.
Hanggang sa napa block na sya sa Facebook ko dahil nagalit noon ang ex ko sa mga usapan namin. Haha!
Tapos hinayaan ko lang, paano nga wala naman talaga akong balak maglandi o ano pa man.

Few months later, ako na mismo ang nag unblock sa kanya dahil may itatanong ako. Tapos hindi na kami nagka chat ng kagaya ng dati. Siguro dahil may jowa sya. Ako naman, tuloy ang buhay ko, kanya kanyang buhay nga eh. Wala pa masyadong pakialamanan.

Nagulat na lang ako, mga bandang August 2015 nag-barko pala sya.
Lalo ko tuloy syang hinangaan.
Bibihira laang ang mga 20+ na edad na magka lakas ng loob sa abroad.
Ako, nag abroad ako dahil sa pangarap ko at alam ko kung gaano ako kapursigido kaya nagtitiis ako dito, pero nung makita ko sya sa newsfeed ko na nag OFW na din. Lalo ko syang hinangaan. Pero di pa rin kami nagkaka chat.

Isang gabing matindi ang pinagdadaanan ko sa buhay pag-ibig, naghahanap ako ng taong makaka chat saaking messenger. Wala akong mapagsabihan, tulugan ang Pinas, nakita ko syang online. Nag chat ako. Nakibalita. Gusto ko talagang mawala ang iniisip ko eh. Tinatanong pala nya noon kung malayo ako sa Tenerife, Canary Islands. Oo malayo naman lahat sa Madrid. Doon pala ang mga byahe nila eh.
Yung normal na conversations na nauwi sa bigla kong pagda-drama!
"Keeeerk! Napaka tino ko ng babae, bakit ako nasasaktan pa?"
Bigla nya akong tinawanan. At inasar nya ako, at pinayuhan. Yung mga payo nyang masasarap basahin. Yung mga payo nyang may halong concern.

Napalapit ang loob ko sa kanya.

Sobrang lapit.

Hanggang sa mahal ko na pala sya.

At iniwan ko ang ex ko dahil wala na din naman pupuntahan ang relasyon namin. 
Stress changes people. Sobrang stress ko sa past relationship ko but that's the reason bakit kami ng jowa ko ngayon. Never nyang sinabi saakin na magbreak kami ng ex ko noon..lagi nya nyang sinasabi na magtiis tiis muna ako kasi LDR din kami dati.
That's the reason kung bakit ang saya saya ko ngayon dahil kay Kerk. Kung bakit ang sarap mabuhay. Sya ang may dahilan. Dahil binigay sya ni God saakin at minahal nya ako nung mga panahong hindi ko na kayang mahalin ang sarili ko. Sobra, as in.

Yun pala, habang hinihingi ko sya sa Panginoon, sinasabi din pala nya sa sarili nyang gusto nya akong maging girlfriend. ❤👌☺

You know. Law of attraction. Na magnet namin ang isa't isa. Ang sarap! ❤

Normal pa rin ang chat namin. Hindi ko inaamin na mahal ko sya. Pero iba na ang chat namin. Ramdam ko na sakanya ang concern nya saakin. Ramdam ko na din na hindi lang ako basta kaibigan na lang.
Ang sarap.
Hanggang sa nadulas ako na MAHAL ko sya. Tinanong nya ako kung mahal ko sya, yung tunay daw. Haha! Eh oo, mahal ko naman talaga. Hindi daw makapaniwala dahil nga galing ako sa long term relationship (3 years, 10 months). Pero totoo eh, mahal ko sya eh.

Mula noon, parang naging mag m.u kami hanggang sa nahihirapan ako dahil mahal na mahal ko na sya tapos hindi ko alam kung ano kami para sa isa't isa. Kasi nga M.U lang. Hindi sya akin, hindi ako sakanya. Hanggang sa  ag decide kaming maging kami na. October 24, 2015 ang date. Unang beses na nag I LOVE YOU kami sa isa't isa. ❤❤
Tumawag sya non gamit ang satellite phone ng barko. Hindi ko makakalimutan yung araw na yon na sinabi nya ding minsan hindi sya makatulog at paikot ikot lang sya sa kama sa kaiisip saakin. Haha!

So ayon guys, ang aming umpisa. ❤
Mahal na mahal na mahal ko yun kahit ang hirap mag boyfriend ng nasa barko.
Ang sunod kong iba-blog ay about sa feeling ng nasa barko ang boyfriend. Haha!
See you!!

IG: jheveyrrzn24
Twitter: jhvyrzn24