Telepono

0 comments


Bawat tawag ko ay parang "I love you"
At ang pagsagot mo ay understood ko na, na
"I love you too."
Hindi ako magsasawang gawin ito
Dahil kahit wala kang internet,
salamat sa Telepono.

CHOOSE HAPPINESS

0 comments

Sino bang hindi namomroblema? Lahat naman tayo may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay, yung pinagdadaanan mong yan, naku, maswerte ka pa at iyan lang ang isipin mo sa ngayon! Maging masaya ka, kasi walang makaka-agaw nun sayo

Isa lang yung napatunayan ko eh, lahat pala talaga natututunan. Totoo yan. Nung medyo kabataan ko pa, I mean teenage to 21y/o, hanep, ibang iba ang perspective ko nun sa buhay. I mean, eto naman na talaga ako and I know my self more than anyone else in the world could know me and kahit pala kilala ko na ang sarili ko, hindi pa rin tama ang ilang mga desisyong nagagawa ko sa buhay ko. That’s why yung phrase na “Papunta ka lang, pabalik na ako.” Eh na imbento. Nauunawaan ko na yun ng husto ngayon. Dahil as we grow up, as we mature, maiisip mo na lang na “Shit, ang tanga ko nung kabataan ko.” And remember that is totally OK. 😂 Lahat nadaan dyan. Hindi tayo matututo kung di tayo magkakamali.

So yun nga mga bes, Choose Happiness. Ang ibig sabihin ko dyan, let go of what makes you feel unimportant. Kung may jowa ka, at lagi kayong magka-away, and you feel that he is not worth your time dahil di nya nagagawa yung mga bagay na makakapagpasaya sayo, wag kang malungkot, please. Walang may kasalanan. He/She is loving you the way he knows how to love you and you want to be loved the way you liked to be but he cannot. Let go mo na Bes. You will never appreciate him/her kahit pa anong gawin mo.
OR ELSE, you will adjust to the situation. Mag-isip ka, gusto mo bang magkaroon ng peace of mind? Mahal mo sya di ba at gusto mo masaya kayo? Kaya mo na bang maging happy sa kung ano lang ang kaya nyang gawin for your relationship? Do you promise that you can stop comparing him/her to other people out there who you think is an “Ideal Couple”?

Kasi yung totoong Happiness, makukuha mo yun and nobody will give you that. It all starts within you. Kung hindi perpekto ang partner mo, ikaw rin naman. Di ka nya mapasaya, how sure are you that you are doing your best just to make him/her happy?
Yes baka nageeffort ka nga, yes baka gumagastos ka nga, but yung mga nagagawa nya, nakita mo ba? Kelan nga ulit yung last time na na-appreciate mo sya?

Rule No.2, Kung feel mo hindi nyo naappreciate ang isa’t-isa. Let go na.

Another situation,

Stressful ang work, studies, kahit sa bahay, yung mga barkada mo at kaibigan, they are all giving you stress. Still, choose happiness. Kung may masamang nangyare, kung may mga bagay na hindi nangyayare the way you EXPECTED, think of yourself first. The moment na may nangyaring nakakaasar, it is either it is your choice or napasabit ka lang. You cannot control the bad times Bes, kagaya lang yan ng mga unexpected blessings sa buhay natin, you will never know when it will come. That’s why, accept the things you cannot control and do not hold on to it. Kung pasaway sila, let them. You cannot make them stop doing the things they like to do. Iisipin mo wala silang consideration? Okay, maybe and maybe not. Divert your mind to another things. Madami pa dyang pwedeng pagka abalahan. Magsulat ka, manahi ka ng damit mong nabutas, magcolor ka ng coloring book, maglista ka ng places na gusto mong puntahan then be inspired. Kailangan maging busy ang utak mo lalo na when you are alone and when you feel alone. Magisip ka na lang kung paano gaganda pa ang buhay mo rather than how to make them stop doing what they are doing. Eventually, they will stop when they feel like. Don’t make something or someone forcibly miss you, because if they are ready, they will look for you.
Okay na Bes? Hehe.

Choose happiness. And you will be free.