Para sa mga babaeng broken, nagpatawad pero hindi makalimot, nasasaktan pa rin, in short, sa mga hindi maka-move on,
Kumusta? Ganon pa rin? Okay ngayon, tapos mamaya kapag solo ka na lang maiisip mo na naman. Mapapangiti na lang o minsan mapapailing, kasi naman, kahit tinanggap mo na, masakit pa rin.
Alam ko na kapag kasama mo sya, masaya ka at kuntento, pero kapag hindi na sya matanaw ng mata mo, o kapag alam mong sobrang layo na ninyo, andyan na naman ang kalaban ng kasiyahan mo. Overthinking.
Nakakaiyak isipin, pero ang sarap iiyak, ano? Sige lang. Ilabas mo lang yung nararamdaman mo. Kasi kapag hindi mo hinarap ang nararamdaman mo hindi naman yan mawawala, lalo lang yang lalala. Lalo ka lang makakaramdam ng galit, poot, hinakakit kapag pinigilan mo. Ifeel mo lang yang sakit na yan dahil hindi ka magiging masaya kung hindi mo yan mararamdaman eh.
Hindi mahalaga kung mag-isa ka lang ngayon. Hindi mahalaga kung walang handang makinig sa'yo, minsan sapat na yung sarili mo lang para mailabas ang mga nararamdaman mo. Humarap ka sa salamin at kausapin mo ang sarili mo. Hindi ka baliw, normal ka. AT Okay lang mapag-isa.
Enjoyin mo ang sarili mo at magpakalaya ka. Be confident,magsaya ka ng hindi ka bumabawi, magsaya ka ng may good intentions, magsaya ka because you deserve the most special treatment for yourself more than what you can give to others. Alam kong pagod ka na, pero ang totoong nagmamahal sayo, hahanapin ka.
Minsan sa buhay natin kailangan natin masaktan. Kung sinasaktan ka nila, hayaan mo sila, magpasalamat ka kasi ibang iba ka sa kanila. Mas mabuti kang tao. Pagpapalain ka, at sila they will get a day they always deserve. Minsan kailangan rin natin yung magtiis dahil ang kapalit noon ay sobra-sobrang kaligayahan. Walang libre sa mundo, kaya lahat ng bagay dala ng hindi natin pagiging perpekto, eh hindi natin makukuha ng buong buo kung kaligayahan lang ang pagbabasehan mo. Lahat may kapalit.
Nakakapagtaka ano, ang bait mo naman, mabuti ka namang tao pero nasaktan ka pa rin. Pinaasa ka pa rin, pinaiyak ka pa rin. Yung mga inaapi daw ang Paborito ng Dios. Yung mga mapagkumbaba, kasi sila yung may gift na magmahal ng paulit ulit at magpatawad ng walang sawa. Kaya lang naman tayo nasasaktan dahil sa ating PRIDE. Lagi kong sinasabi, madami pa pala tayong kakaining bigas para mas maunawaan ang buhay, hindi rin pala; kahit pala kakaunting bigas pa lang ang kainin mo, basta mababa ang loob mo at maunawain ka, gagaan ang lahat. Daanin na lang natin sa positive way ang mga ito. Lilipas rin.
Hindi ka naniniwala na lilipas rin?
Hehe. May mga bagay na wala tayong control at ang kailangan lang natin eh sabayan ang agos. Kung hindi mo na mahal, iwanan mo, kung di ka na sasaya sa kanya, wag mo na lokohin ang sarili mo. Ngayon, kung nasasaktan ka at mahal na mahal mo, at kung aalis ka na pero hindi nya binibitawan ang kamay mo kasabay ng mga pangakong "Hindi na kita sasaktan Mahal ko." Bigyan mo ng pagkakataon ang taong ito.
Dahil sa hinaba-haba ng proseso ng lovelife ng tao, minsan lang tayo magiging masaya ng puro.