Sabi ko noon, I know everything already. Sabi ko noon, I am better already.
Kada taon, ganoon. And now, I can still say that I am the better version of myself than yesterday. Kulang lang talaga ako minsan sa self-appreciation. Nangyayari talaga yun lalo na kapag dumadaan ang challenges sa buhay. And that is tearing me down. Kay God lang ako nakapit to restore my self esteem kasi when I am down, I cannot appreciate myself. Dun na nagsisimulang hanapin ko ang importance ko from other people. Which I later on realized eh, slightly wrong. (Hehe not very sure pa rin eh ano?)
Eh kasi yun naman talaga ang nature ng psychology natin kapag down, hinahanap ang importance sa iba. Bulag na bulag na eh at kinakain ng sistema, pero hopefully, sooner or later makikita mo rin yun sa sarili mo. And that long lost feeling when it get back, is the greatest feeling ever existed. Kung naaappreciate mo ang sarili mo you will appreciate others too. Very nice huh.
Naisip ko lang, last year I am super worried about my future. Wala namang masama magworry but then yung super worried ay nagiging paranoid na rin ako and that does not help me grow. Lalo na kapag yung mga tao sa paligid mo eh tinotolerate pa ang pagiging ganyan mo.
Sometimes, we need people that will tell us to "stop". Yung tipong pag sinabi nila wala ka ng choice kundi sumunod, dahil alam mo na rin sa sarili mo na kelangan mo nang tumigil pero di mo magawa. Those people are the people that you appreciate the most. Kasi kung hindi, hindi ka na naman makikinig. 😂
LOL what are you going to do without them kaya. Just wondering. Well at least, little by little, you might feel you need to learn it by yourself too. And that's nice.
I just remember my boyfriend tonight. I really can see him as a blessing to me. Hiningi ko sya kay God. I know that he is coming to me before and I love the fact that he is getting closer to me kaya hinangad ko na rin sya. Since my feeling is genuine kaya hindi na talaga ako nagdalawang isip. I know I love him. I know that person will help me grow. I know that he is the one I have been looking for. And the things I did to keep him? I never realized that I am going to be the best version of me. Nagsipag pa lalo, nagkaroon ng pagmamahal sa sarili while loving him too, basta naging open ako sa pagbabago na noon ay saradong sarado ang utak ko. If I could only have more time with him sa Pinas, nagawa ko na.
Pero dahil parehas nga kaming OFW, seaman sya at landbased naman ako, hindi kami magkasama ng matagal.
Sinulat ko 'to kasi, sometimes hindi ko makita ang worth ko. At sa almost 2 years ko ng nag aabroad akala ko wala pa akong nagagawa. Hindi ko lang talaga kasi hilig bilangin ang mga bagay na nagagawa ko at lagi kong iniisip na "wala ako" dahil I want to stay humble as possible. Pero on the other hand, depende naman pala talaga yun. Hindi naman ako mahilig mag-bida sa tao ng mga nagagawa ko. Enough na yung alam ko sa sarili ko. Feeling ko kasi hindi pa yun dapat ipagmalaki, pero para sa sarili ko ngayon kapag down ako, dapat pala isaisahin ko yun sa isip ko. Wala akong dahilan para ma-down. Andami ko na palang nagawa. Andami ko na palang natulungan. And what are they going to do without me? This 22 year old adult did a lot already. Minsan wala rin masamang mag-feel good sa sarili. Masarap rin sa pakiramdam to the point na hindi naman ako nagmamalaki ha. I just like it when I can see these people happy because of me. Ang sarap lang sa pakiramdam ng makapagpasaya ka kahit hindi ako araw-araw masaya. They will remember me. Yun ang mahalaga sakin. Yun ang reward na natatanggap ko, yung LOVE, appreciation at genuineness ng iba. Kahit hindi mismong sa kanila galing ang bumabalik sakin pero si God binibiyayaan pa rin ako.
Mababaw lang ang kaligayahan ko at sana lagi akong ganoon. Sana magkaroon ako ng soft heart. Sana maging mas madali akong magpatawad. Sana mas maging mabait pa ako. Sana mas maging appreciative pa ako. Sana mas makita ko pa lahat ng goodness in life. Sana tumatak ako sa buhay ng mga taong nakapaligid sakin. Sana, kahit ganito lang ako, hindi sila magsawang magmahal at magpakatotoo saakin.
Thank you Lord at ganito ako. I love you po!
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment