LDR. Kakaiba. Puro tiis at hirap. Puro overthinking na hindi maiiwasan lalo kapag pagod ka sa trabaho. Puro away at tampuhan na akala mo laging mauuwi sa break-up. Puro sumbatan ay hingian ng oras, na kapag di ka mapagbigyan agad feeling mo di ka na mahalaga. Puro selos na hindi maiiwasan lalo kapag nakikita mong mas masaya pa sya sa kaibigan nya kaysa saiyo. Masakit yon dahil FEELING mo, hindi sya sayo nakuha ng SAYA.
Pero aminin mo, dahil sa pagmamahal mo, lahat ito bukal sa loob mong pinaglalaban at kinakaya.
LDR. Napakasarap isiping may nagmamahal sayo sa malayo. Napakasarap isipin na kahit di kayo nagkakaroon ng physical contact, mahal nyo pa rin ang isat isa. Napakasarap isipin na lagi tayong may hinihintay-Ang Makasama sya.
Napakasarap isipin na nagmamahal ka ng iba, at nagkakaoras ka sa sarili mo. Napakasarap isipin na alam mong hindi ka nagiisa.
LDR. Kalaban natin ay oras na 12hrs, 6hrs, 3hrs pagitan. Kalaban natin ay puyat at antok. Kalaban natin ay ang internet connection. Kalaban natin ay ang araw na hindi natin sila nakukumusta man lang. Kalaban natin ay ang mga guni-guni na bumubulong sa ating isipan. Kalaban na hindi mananalo sa ating totoo at buong pagmamahalan.
LDR. Hindi laging masaya. Kung yun ngang magkasama nagaaway pa ano pa kaya tayo na tao lang din naman.
LDR na hindi man nga laging masaya, bawing bawi naman kapag naulit na ang pagsasama.
*time is gold..wag tayo mag aksaya ng kras sa arguments na dala lang ng pansariling emosyon. LDR helps us to grow more. LDR helps us to be MATURE.*
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment