Showing posts with label ldr feels. Show all posts
Showing posts with label ldr feels. Show all posts

Not the same feeling anymore 💜

0 comments

In the first 5 months of our amazing relationship, I can't deny that I became super inspired and feeling loved everyday of my life.

The 6th month is the happiest, because finally we can hug and kiss each other unlimited! Oh how I wish I can do it again right now!

I have been waiting for this feeling to come again and having Faith to God Almighty, here I am. Blogging how HAPPY I am. (THANKS GOD NAOVERCOME KO. HAHA!)

I know we are going to fight and argue over things. I LOVE how we argue. That kind of "sagutan" without bad words, sagutan with sense, sagutan with feelings, that is what I like. True. He always amazes me. I know he loves me a lot that's why he's like this to me.
💜

In 2months mahigit na he is in Pinas he never failed to check me up, update me on what he is doing, (except those days na naiyamot na ako sakanya at ako na ang hindi nagparamdam dahil I can feel he is testing how much I love him and so I did, tinest ko din sya kung hanggang saan ang patience nya sa akin.), maximum times of video call and call is 3x a month 15mins or less. All chats. Pero walang palya, kahit na magkaaway kami araw araw may message. 10 pogi points.
Imagine how can you trust a person thru chats lang. Haha. But I did. I do trust him. Ayokong pahirapan ang sarili ko and sya. I know the KEY is in ME. 💜

WE BOTH made a mistake, nagkamali sya, nagkamali ako. In the end, walang natalo, patas ang laban. Niloko nya ako? Hindi, kasi hindi ako nagpaloko. Magkaiba 'yon.
Ang nagpaloko eh when you did not do anything about it. Yung hinayaan mo na lang.

So anyway, hindi ko na sya mahal. Mahal na mahal na mahal ko na sya, like he is a platelet sa aking blood na as in dumadaloy sa aking ugat.

He always do his best na patunayan saakin how much he love me. He even insisted on having shared account in Facebook. 💜 Ang haba haba ng hair ko.

I fell in love with his mind. With him. I respect him being a Man. I do not want to remove his manhood just because of my ego. He knows what he is doing and he needs me to support him.

If you're his friend and you are reading this, there is more about him I know.

Magaan ang pakiramdam ko kasi pagkagising ko kanina, parang may masamang espiritu na umalis sa katawan ko. Haha! And then I can finally say,

"Eto na ang hinihintay ko. I'm back on track!"

So I want to THANK GOD sa lahat ng ito.

Girls, if you want to feel the same way i feel? Appreciate and do not count what you do. Lagi akong ganito kay Kerk na goodvibes. Alam nyo yun,  pero siguro yung mindset ko na I hate Pinas because I am not there, that is killing me. And that almost kill me. And never will I want to feel that again. Parang kagabi lang, I am about to cry dahil nahohomesick ako and all. Pero bago ako matulog, naiiyak ako kasi di ko alam na kaya ko palang magmahal ng taong kagaya nya.

He's my ONE. And if he is not, I'll make a way.

What can you do to save your LDR Love?

0 comments

Hell weeks. This is what we have encountered. Hanep sa challenges. He is living his own life, i do not care, what I care about is our relationship. Really. It is okay to go on with your life, what isn't okay is if one of us forgets our responsibilities to each other. Being committed is a responsibility. You cannot just go on with what you know that is only for you (not all the time). We are ONE. Teamwork is a MUST.

So while he is too busy doing his stuffs, he forgot about me. I hate when people are in their own comfort zones then easily forgot how lonely it is when outside. I am going crazy for real. It feels like I want the whole him and not just 1/4 of him. I am not pulling him, I just want to feel him and he wants to go away. So then, I realized to look for other happiness. One that he cannot give to me for the moment. He noticed then wants me to come back and focus more on him. Which is unfair on the other side. But one thing is clear, he do not want me to leave and me neither. I just moved on a bit of inch to know if I am still important. I danced with his music, and he doesn't want the way I danced with it. So he adjusted. I just hope that he can stand it. Because for me it is not that easy though.

Happiness is always there. It will never leave if you will hold on to it.
Do not talk or share what's personal to other people. Only few knows you, others will give opinions and theirs will not help you that much.

If you want to have peace of mind, as a girl, a woman in LDR, PRAY. Say everything to the LORD. He is the One who will really help you all through out. Not your boyfriend, not your friends. GOD will use them as His instrument and that's it.  When I have doubts, I used to tell it to God. Sometimes, it is better to be innocent than knowing everything at the wrong time. If there is something wrong, you'll feel it. God will not let you live your life filled of wrong doings.

Hindi laging happy

0 comments

LDR. Kakaiba. Puro tiis at hirap. Puro overthinking na hindi maiiwasan lalo kapag pagod ka sa trabaho. Puro away at tampuhan na akala mo laging mauuwi sa break-up. Puro sumbatan ay hingian ng oras, na kapag di ka mapagbigyan agad feeling mo di ka na mahalaga. Puro selos na hindi maiiwasan lalo kapag nakikita mong mas masaya pa sya sa kaibigan nya kaysa saiyo. Masakit yon dahil FEELING mo, hindi sya sayo nakuha ng SAYA.
Pero aminin mo, dahil sa pagmamahal mo, lahat ito bukal sa loob mong pinaglalaban at kinakaya.

LDR. Napakasarap isiping may nagmamahal sayo sa malayo. Napakasarap isipin na kahit di kayo nagkakaroon ng physical contact, mahal nyo pa rin ang isat isa. Napakasarap isipin na lagi tayong may hinihintay-Ang Makasama sya.
Napakasarap isipin na nagmamahal ka ng iba, at nagkakaoras ka sa sarili mo. Napakasarap isipin na alam mong hindi ka nagiisa.

LDR. Kalaban natin ay oras na 12hrs, 6hrs, 3hrs pagitan. Kalaban natin ay puyat at antok. Kalaban natin ay ang internet connection. Kalaban natin ay ang araw na hindi natin sila nakukumusta man lang. Kalaban natin ay ang mga guni-guni na bumubulong sa ating isipan. Kalaban na hindi mananalo sa ating totoo at buong pagmamahalan.

LDR. Hindi laging masaya. Kung yun ngang magkasama nagaaway pa ano pa kaya tayo na tao lang din naman.
LDR na hindi man nga laging masaya, bawing bawi naman kapag naulit na ang pagsasama.

*time is gold..wag tayo mag aksaya ng kras sa arguments na dala lang ng pansariling emosyon. LDR helps us to grow more. LDR helps us to be MATURE.*

LDR on the other side

0 comments

Long Distance Relationship. I can define it in different perspectives. Really. 
Most of the time,I found it really helpful. Lonely, yes if you used to be with someone you love for years and then you have to be apart. 
But IF ONLY you would look around, there is more to life. I mean, you will not stick around the situation and be lonely for a long time. It is normal to feel the loneliness and feel like you are a loner, but if you are working and you feel like you have more to do with your life, then LDR could be a blessing in disguise. Well,still it is up to you on how you will see it but then, based on my experiences, I learned. I can say I matured a little than before. Those stress can change you for the better. 

Maybe I can say this because as of the of the moment I don't have a problem with my boyfriend. You can think about that. I will not force you to believe me but, it is not about how he treats me, sometimes it is also about how I see myself as a girlfriend, a person, an individual, a human and a woman. 
It is about knowing my worth. I know I deserved to be happy so I must claim it.

Humbly saying, I already saw my self super down and I dont want to see my self like that again. I need to help my self too. Skip all those overthinking, wake up every morning without worrying because I choose not to, because I know someone will love me the way I do. The process is not easy. It took me a lot of time to trust a person whom I did not seen for years or months. It is difficult. I am investing a feeling that I am not sure if I will get the same as a payback. The first question I asked myself is- "Can I really take it again?" 
I answered YES. " Can you now handle whatever is yet to come?" Can you feel the true love?" All is yes. And I am happy to say. 

I cannot believe that sometimes, no, most of the times I am alone with my thoughts, I want to share some ideas to my boyfriend but he is not there, little by little, I am getting used to it in a positive way. It helps me a lot and I know I can help him too. If I am feeling super lonely I know he feels double. Just like a girl, boys have feelings too and they like keeping it to themselves. The battle is not only for me but it is for US. We are two here, I cannot fight alone. I believe that if I will only make everything so much more complicated then we are going to fall down like dominoes. The woman is always the one who will hold the situation, the man is there to support but the woman holds the rest. It is not unfair, it is teamwork. So I do not feel upset if I see him happy in fact, I am happier. I can see him do what he wants freely without hurting me and at the same time he is there for me. A good man who knows your worth even for once he hurt you, always deserves a woman who will understand him for the rest of his life and sure thing, someday, you woman will be surprised, because that man who you loved for a long or short time but for real, will love you the way you do not need to ask for. 

Dahil minahal mo ako...🎤🎧

0 comments

Napapatula. Napapasulat. Napapakanta. 

Napapa-drawing na rin pala ulit ako kahit palya. Haha. 


Mga binaon ko na sa limot ang mga ganyang libangan matagal na panahon na rin ako di nagddrawing.
 Sabi ko noo'y wala na...napa abroad na eh iba na ang linya ng trabaho, baka kako garne na laang ako hanggang pagtanda. Dine na nagkakapera eh. 


Eh kaso hindi... sabi niya, kung kaya daw ng iba, kaya ko rin. Gawin ko pa rin daw yung pangarap ko. Nagising naman ako. Kasi nga yung pangarap ko naman talaga ang ipinunta ko dito.
At Kase nga kahit alam ko naman ang gusto ko, parang wala akong pagkuhanan ng lakas ng loob.
Alam nyo ga yung...mas importante saken yung ganito...yung hindi ko na kailangan masyado ng mga materyal na bagay. Bonus na lang yon di ga kung halimbawa..


pero yung mga katangian na gusto ko, hinahanap ko, swerte ko at natagpuan ko sa kanya. (Naglayas pa ng pinas susko bago pa nagkagarne eh magkalapit na baranggay laang naman. Masyadong pahirap ang tadhana. Lol.)
Sya kase, tinuturuan nya ako na kayanin ko ang lahat at the same time na hindi ko naman pinapahirapan at pinipilit lang ang sarili ko.


Basta..kakaiba ang mental connections namin kahit hindi pa kami lubos na magkakilala...
Bring na bring out ang best in me. Wala pa sa kalhati yan kasi di pa nagkikita...


Hindi naman effort 'tong ginagawa ko, Sharing lang. Nami-misinterpret kasi ng iba at sinasabi saking ang effort ko daw eh para saken hindi naman. Sharing lang. Basahin mo, salamat o kung hindi dedma lang ako. Simple. ☺😊
Deserve naman nyang i-share ko ang mga nagagawa nya sa buhay ko sa way na ganito eh...wala namang halong kayabangan at kasinungalingan 'to. Spoiled ako sa pagmamahal nya at pagaalaga kahit magkalayo..
Kaya ii-spoiled ko rin sya ng sobrang appreciation at kung anu-ano pa. 
😍☺😊

"Nami-miss mong umiyak?"

0 comments

"Nami-miss mong umiyak?"


Madalas kong maisip yan sa twing napapagod ako sa trabaho, sa twing naiisip kong ang hirap hirap mag-ipon at kitain ng pera tapos sa isang iglap, madaling magastos. Sa twing ang hirap ng buong maghapon at parang hindi nakiki-ayon ang tadhana. Na parang walang nangyareng tama. 
Sa twing inis na inis ako sa mga alaga ko na hindi makinig sakin, at sa twing male-late na ako pero kalmado pa rin. Nang minsang mag-selos ako, nang minsang miss na miss ko na ang boyfriend ko at nararamdaman ko kung gaano sya hirap sa trabaho, lalong lalo na kapag wala akong magawa kundi magtiis sa sitwasyong ganito.

Tinanong sakin yan ni Kerk.

Sinagot ko ng OO. Kasi kapag puro negatives ang nararamdaman ko, hindi na ako mapaiyak. Parang naubos na ang luha ko. 

Pero ang totoo, umiiyak naman ako. 

Sa twing papasok ako ng simbahan, sa twing magpapasalamat ako sa Panginoon sa mga bagay na mayroon ako ngayon, napapaiyak akong talaga. 

Na parang kailan lamang ay puro ako hinagpis sa buhay at lagi akong nanghihingi ng lakas ng loob sa Kanya para sa pang araw araw kong buhay at para malampasan ko ang sakit na nararamdaman ko noon... 

Ngayon naman...
Ganoon pa rin, humihingi pa rin ako ng awa sa Panginoon na malampasan ko palagi ang lahat ng ito at lakas pa rin ng loob ang hinihingi ko. Alam kong ibibigay nya yon. 

Napapaiyak ako sa saya at hindi sa lungkot. 

Natuto akong magtiwala sa Panginoon ng buo kaya may tiwala rin ako sa novio ko at sa pagkakataon.

Mahirap magsalita ng tapos...

Ayokong sabihin na hindi na ako takot masaktan, pero yung feeling na alam kong kaya kong malampasan dahil nandyan ang Panginoon? Walang imposible. 

Hindi nya ibibigay sa atin ng walang magandangdahilan. 

Mahal tayo ng Dios. Magtiwala lang tayo.

Etong LDR? Maganda na yung habang bata pa lang nagkakahiwalay na. Kaysa saka pa lang magaabroad kung kailan may mga anak na. 
Para saakin, napakagandang oportunidad ang ibinigay na ito ng Maykapal. 

Pagpalain tayo ng Dios sa araw araw. Marami tayong dapat ipag-pasalamat kaysa ipaghimutok sa buhay. Napaka bata pa natin para mamroblema sa mga bagay na simple lang naman at kayang kayang maresolbahan ng pananampalataya at pagdarasal.

Matuto tayong tanggapin ang ipinagkaloob sa atin at huwag ng tumingin sa mga kung anong mayroon ang iba. 

Ang malupet na LDR ay hindi ang magmahal sa malayo. Kundi ang magmahal sa hindi mo pa nakikita, pero pinaparamdam ang pagmamaha niya. Si Lord yun. 

Amen. 




Menos Kilig, Más Pag-ibig

0 comments

¡Que sí!

Kinikilig pa ako syempre. Mahal ko eh. Lalo kapag mang-gugulat sya ng mga salita nyang gustong gusto ko. Tipong, aakalain ko bang makakapagsalita sya ng mga ganon saakin. ☺☺☺☺

Spoiled ako sa words of wisdom nya. Spoiled ako sa walang ubos na paalala at maraming maraming MAHAL KITA. Nakakakilig sya palagi dahil he never fails to be the man I loved kahit nung una pa lang. Kaya ko sya minahal kasi ganyan sya. Kung ano sya. I always respect him being a Man and I cannot change him because he is my type. My kind of guy. If I ask to change him the way I want him to be... sana nakipag in a relationship na lang ako sa sarili ko. Walang pagkakaiba. Di ga?

Been there. Done that. And that's not worth it.

Hindi na 'to kasing kilig noong babago pa lang kami. Noon na ang alam ko lang naman ay bibihira syang mag-online. Noon na ang alam ko lang naman ay basta basta na lang syang susulpot. Nakaka-kilig pag basta na lang tutunog ang messenger ko tapos name nya agad ang makikita ko. Nakakakilig na nakaka-bata na parang babago pa lang talaga kaming magkakilala.
Nakakakilig the way na hindi ako makapaniwalang kami na. I am very sure that until now hindi pa rin ako makapaniwala. But that is not where it will end anyway. Mahal eh. Kaya walang ubos na kilig ito. Walang ubos na amusement.

Noon din, wala akong "masyadong" idea sa mga pinag gagawa nya at sa timetable nya, kelan sya mago-online. Di ba nakaka excite yon. May thrill. Basta na lang sya andyan. Basta na lang tatawag. Talagang halos wala akong pinapalampas na calls nya kasi bukod sa alam kong mahal, eh di ko na din nga alam kung kailan sya uli makakausap. So, very sad ang part na yon. Pero nalampasan ko. Haha.
Siguro ay 3 times ko pa lang naman namiss ang calls nya. Pero grabe sobrang lungkot ko kaya nun.

Kasi ngayon iba na.

Kasi ngayon mas united na kami. Hindi nyo lang mahahalata yon kasi di naman kami sweet sa Facebook. Bibihira nga kaming mag - "i love you" sa comments.
Ngayon may kopya na ako ng schedule ng cruise nila hanggang April. Di ba bongga. So alam ko kung kelan sya makakapag online, kailan hindi.  At buti na lang napakamatandain ko pagdating sa mga ganyang bagay (which is very ironic dahil makakalimutin ako lalo pag para sa sarili ko LOL) at kabisado ko na ang oras ng break time nya at tapos ng trabaho. Andami kong contact numbers nya. Nakakatawag din ako minsan don sa barko, and the cost of calls? Guys, hindi biro. Haha! But pera lang yan. Pero dahil pauwi nga kami,  tipid tipid. Pero di din maiwasan na magtawagan talaga. Pera lang yan at ang oras hindi na maiibalik..lagi kong sinasabi yon sakanya at yun naman din talaga ang prinsipyo ko sa buhay.

At least...

Dami nyang taga hanga. I cannot blame them. Ipinagmamayabang ko sya. He's like a traveler na kung saan saan nakakarating. He's like amazing talaga especially to the people who knows him (they know him too and who he is) lalo at andyan sya sa kinatatayuan nya ngayon. But meeee? Seriously, (alam din to ni Kerk) na hindi ko sya minahal dahil sa ganda ng katayuan nya. I mean baka bonus na din yon. But yung kung ano yung pagkatao nyaaaa? Doon ko sya minahal eh. Napaka hardworking. Napaka ideal man. Napaka KERK. He's my one. Eto na to. Panahon ko na.
Well you guys, kung naka based lang kayo sa paghanga over sa photos nya, hanggang don lang yon. Ako, alam ko ang istorya sa likod ng mga larawan na yun.

Who's gonna understand him the way I do.

Yung iba dyan, sasabihin maganda ang alon sa inupload nyang video. They don't even know how I feel nung dumaan sila don. I cannot even sleep. Nagaalala ako. Naiiyak ako over the phone nung tawagan nya ako at nawala ang connection bigla sa tindi ng hampas ng alon. Come on. Hindi biro. 

Hindi lang to basta kilig. Pagmamahal.
He's proud of me. I am proud of him.
Nothing is more ideal sa ganitong relasyon. No one knows. Kami lang nagkakaintindihan. Ganern.

Cheers to endless kilig Mahal. I love you. :*

Kapag kami nagka-selfie, HU U Kayo! Charot!

0 comments

Hiiii.
Lampas na ang pasko. Hindi kami bitter nor Sad. Super saya namin at kami ay nakapag pasko kahit na sya ay bugbog sa trabaho at ako naman ay palabas-labas kasama ang Mama. Ayoko talagang mag-emote at pasko nga, isa pa, first time mag-Pasko ng Mama ko na kasama ako. After 8years or 7. Nakakatamad magbilang. 😂😂

Anyway, ayun. Nabigla ako sa bigla nyang pag-Online! Nasa dagat sya nung pasko and for all I know, wala namang wifi doon na libre. Yun pala nagbayad pa maka online lang. Nahomesick. Hay. Ang hirap naman kase talaga. Malayo sa Pinas. First time pa nya sa abroad tas durugan sa trabaho.
Ilang gabe kong iniisip na mapapagod ng sobra yun ngayong season na 'to. Pasko, New Year. Nagiisip ako ng kung ano kayang magagawa ko para sakaling magkausap kami, hindi naman parang normal day lang.
Mula nung maging boyfriend ko sya, hindi ko na inisip ang pride ko. Lagi lang ako nasa lugar. At least, alam ko where to put myself.

Mula din nung maging boyfriend ko sya, parang na-refresh ang utak ko. Parang ang bright ng mind ko. Bigla biglang napapagawa ako ng tula, though maalam naman talaga ako, pero as in kahit di kelangang gumawa eh napapagawa ako. Tas ang sipag kong mag edit ng photos. Haha. Like, i want to feel na magkasama lang din talaga kami. Tapos matatawa ako kapag pinagdikit ko na ang photos namin.
"Haha. Parang magkasama nga."

Lapit na mag 2016.

MAGKAKA-SELFIE DIN KAMIIII.
HINDI HANGGANG EDIT LANG.



Mangyayare yun! Walang imposible pag ipinagdasal kay God. ❤❤❤

Hindi kami habang buhay LDR. Matutupad lahat ng pangarap namin.. 😊

Kapag maliit lang talaga ang mundo mo, yun na lang ng yun ang mababanggit mo. Ako masaya na ako sa ganito. Hindi ako mabarkada pero hindi naman ako anti-social. You know, maliit lang talaga yung mundo. Kaya pati tungkol sa lovelife naiiblog ko. Kasi dito, mapapakita ko kung sino ako, kung ano ang nasa isip ko, mababasa ito ng mga taong interesado at matalinong kagaya ko (uyyyy haha) mababasa ito ng mga taong nakakaintindi sa nararamdaman ko without annoying them na magpost ako sa FB ng status about sa lovelife.

Maganda nga mag blog. Kasi kapag nagshare ako ng link, meaning magki-click at magbabasa lang yung mga taong interesado. ☺☺

Napapalayo na ang usapan. LOL.
Eto na...
Here are some of our photos na ipinilit pagsamahin.
☺☺