Showing posts with label valentine's day. Show all posts
Showing posts with label valentine's day. Show all posts

Kumusta ang Valentine's Day namin ni Kerk?

0 comments

May ilang nag aabang nito at may ilang dedma lang naman. Pero gusto kong magkwento at wala 'kong pake kung may audience ako o wala. Haha. This is my digital journal. Kung saan nakakapagsulat ako kahit madilim ang paligid. 😁
Eto ang Valentine's na nakaramdam akong totoong may nagmamahal sa akin. 

May kwento ako mga tropa. Kumusta nga kaya ang 1st Valentine's Day namin ni Kerk? 😂

Eto. Lamang sya ng 2hrs saken. Mahirap pala. Akala ko, okay yung sya ang nauuna ng oras mas okay palang hindi. Dahil di pa ko tapos sa trabaho, eh nauuna na sya. Pagod na sya at antok bago pa ko maka chat ng maayos. 
So February 13, tumawag ako sa kanya mga 8:17PM sakin. Sakanya, 10:17PM na. Sa wakas sinagot ng receptionist at kinonekta ako sa cabin nila..kaso ang sumagot eh si kuyang roommate. Wala daw don si kerk. Kakalabas lang daw. Sabi ko...okay...tatawag ako uli mamaya. 

Inulit ko. Mga 8:44PM. Nagconnect ulit. Pero walang sumagot. End call.
10PM sa time ko, tumawag ako uli. 12Midnight na don. Sa isip isip ko, baka nasa kwarto na. 
Si kuya uli ang sumagot. Wala pa daw. Nasa party daw. Si kuya na lang ang binati ko ng Happy Valentines. Napatawa nga sya kasi sya ang binati ko. Haha! Goodnight daw sabe nya. Sabi ko pakisabi na lang din kay Kerk. Oo daw. 

Feb.12, sinabi nga pala sakin ni Kerk na may party sila kinabukasan. Nakalimutan ko lang. Excited kasi ako eh. 1st Valentine's namin. Lam nyo na. Girls problems. 😂 kelangan masaya kahit di mo kontrol ang pagkakataon.

Anyways, so ayon. Ang ending di ko nakausap. 

Nauunawaan ko. Masaya ako kasi andon sya. Pero may kirot di ga. Alam naman nyang Valentine's di ga. Baka sobrang saya lang don sa party kaya di ako naalala. Pero di ako galet. Nauunawaan ko. Kahit siguro ako yung andon, makakalimot din ako at di naman ako agad agad makakaalis lalo na kung party ng buong team yon. (Palakpakan ang understanding gf! Natutunan ko lang yan. Swerte nya sakanya ako nagkakaganito. Haha!) 

February 14,2016. 2:40PM sa oras ko. Sa kanya, 4:40PM. Gising na yon siguro dahil natutulog yon kapag tanghali. 
Nag connect ang tawag ko. Salamat naman! At ayon. Aantok antok nga ang boses nya. Nagising lang sa tawag ko. Magoonline daw sya sa gabi. 

Excited naman ako. Syempre sa wakas makakausap ko na sya. Ang saya! 
Di naman kasi ako naghahangad ng mga gifts, flowers at kung anu-ano ngayon. ORAS lang, masaya na ako. Ang mahal kaya ng 1hr internet nyang mabagal pa sa pagong. £5. Haha! Di man lang maka view yon ng pictures sa FB. Buti at nakakaya ang videocall kahit choppy. 

So ayon. Mga 8:30PM sakin nag Online. Hay. Kaso sabe nya, magpapaayos daw sya ng tattoo. Magvideocall daw kami kahit tinatatuan sya. Nainis ako. Bakit kelangan isabay? Di ga? Wag nyang sabihing pagod sya para ipagpaliban ko ang tampo ko, eh nagpapatattoo pa sya. Haha. So ayon. Nagtampo ako kasi di ako ang inuna. Hindi nya pala alam na tumawag ako nung gabe sa kanya. Di pala sinabe ng roommate nya. Baka bitter na rin. Baka naiinggit at madalas may natawag kay kerk tapos sa kanila wala. Hehe. Malay ko kung ganon ang eksena don. Ang galing galing kaya ng Mahal ko sa trabaho, kaya madaming naiinggit don eh. Char! De, totoo talaga. 

Nagtampo ako. Nagoffline sya at sayang daw ang oras. Tas di naman din nakatiis. Nag online uli. Nagsosorry. Naglalambing. Tinatarayan ko. Nilalambing ako. Haha. Ang saya ko kasi ngayon lang kami nagkatampuhan. Sa totoo lang di ako nalulungkot ngayong Valentine's na nagkatampuhan kami. More on masaya ko dahil nakikilala pa namin ang isa't isa kapag nagkakatampuhan. As in! Tapos nagka videocall kami ng 3mins...kasi kakain ako nun kaya sabe nya kumain muna daw ako. Kitang kita kong antok na antok na sya. Eh di ba nga lamang sya ng dalawang oras. Kaya ayon. Atleast, kahit parehas kaming pabebe...may nagpakumbaba. At sya yon. Akala ko lalaban pa eh. Haha!  Pero ang saya ko. Promise. Eto ata ang Valentine's na kakaiba ang natanggap kong gift. Gift of giving, understanding, loving. Eto ang Valentine's na nakaramdam akong totoong may nagmamahal sa akin. Kasi yung madalas namang mangyare sa mga ganitong araw, magbibigayan ng regalo tapos, tapos na. After nun, wala na. Eh eto. Iba para sakin. Hihi. Ang cute nya pala maglambing. Haha! Ang sarap yata magtampo madalas pag ganito. Lol. 
 Kasi ito ang Valentine's ko na walang halong kaplastikan. Parehas kaming nagpakatotoo. Ang saya. Hihi. Dun mo naman makikita yun eh sa mga tampuhan.  Di ba :)

Yung feeling na.. Ganito pala kami magkatampuhan. 😂😍 lalo ko tuloy minahal yon. Haha kung tutuusin ang babaw lang ng dahilan pero di nya sinabing mababaw ako or what. Naunawaan din nya ko. La lungs. Panis ang flowers at kung anu-ano ng iba dyan. Love. Pure love ang natanggap ko. ❤️

Good night! ❤️❤️❤️

Drama?

0 comments

Drama ga kamo?
Sadyang madrama ako. Mas gusto ko pang ipost yung mga masasayang nangyayari araw araw sa buhay ko kaysa sa mga hindi. Kung drama ang lahat ng ipopost ko baka madami ng galit saakin.

Ayoko kasi nung mga nakikita kong rants at bad vibes sa newsfeed ko. Ayoko gumaya sa kanila.

Hindi ko alam. Pero siguro kung paguusapan natin ang buhay ko ngayon, baka mag breakdown ako sa harapan mo anytime. Dahil mahirap talaga.
Dahil kahit anong saya mo, kapag binalikan mo yung mga nangyari sayo sa buong maghapon kada uuwi ka ng gabi, nakakaiyak na pala. Para ka na palang makina. Kaya kaylangan talagang maging masaya ka palagi. Kasi kung hindi, malulusaw ka ng buhay. Liliit ang utak mo. Wala kang magagawang matino.

Kagaya ng buhay ko noon. Pero tapos na ko dun. Kung ibabalik ko ngayon lahat ng mga alaalang 'yon baka mabadtrip lang ako.

Pero sa bandang huli maiisip mo.
"Tangina, nakaya ko yun? Ang tapang ko pala. Ang tatag ko pa pala."

Mga bagay na hindi ko akalaing nalampasan ko noon at mga bagay na hindi ko akalaing nagagawa ko ngayon.
Salamat sa pag-ibig sa totoo lang.

Salamat sa pag-ibig.

Na hindi ka nakakaramdam ng pagod.
Na natututo kang bumangon sa pagkakadapa.
Na natututo kang magmahal sa sarili mo.
Na natututo kang maging maamo at mawalan ng galit sa kaloob-looban mo.
Na natututo kang magbalik-loob sa Panginoon ng hindi mo namamalayan.

Love will keep us alive. Iba ibang klaseng love na hindi mo aakalaing nag-e-exist.
Malapit pa naman ang Valentine's Day.
Kagaya ng pasko, lagi nating i-feel ang araw na 'to. Dahil hindi lang to siguro para sa mga LOVERS. It is about loving yourself too.


Day 100

0 comments

Writing this while waiting for my train; going home from work at Arturo Soria

It's Sunday. January 31, 2016
9:30PM Madrid Time

Today is not just an ordinary day for me. I felt a lot of emotions that I am not totally used to. I mean, I used but I forgot about it for a long period of time already.

It has been a long time since I felt the need of attention. The feeling of "I want him and his attention only." Obviously, from the man I love, Kerk.

Today is different. Maybe because kf two things. 1. It's our 100th day and this is my first time to value the day like this. 2. Valentine's Day is approaching. And it is our first. 

Funny thing was, I was in a couple of relationships for years and I have never experienced an unforgettable Valentine's Day of my life. Really. I was thinking that my ex's are gay (sorry for the word) for not knowing that day is ultimately special for us girls. But I don't care.
Normally, I am receiving chocolates. Well, okay. Appreciated. But what else. I mean, nothing new and special. I want a flower even though I always say I don't want it. I want it bad. I was just testing them and they did not passed my test.
Glad I am over with them. 😂
Anyway, I am not expecting for something special this coming Valentine's. I am in a long distance relationship and I am understanding the situation. Really. Things are things you know. They fade and get old but the memories will stay. I want a memory that I can remember forever.

So much for St. Valentine's.

I am glad that we have reached this stage where we are 3 months together and still we are loving the same way as before. We have encountered little problems but you know what, love is over all of it. Our love is bigger than those. I just hope we continue being like this. I just hope we don't get tired. Our situation is really hard and communication (which is important) is inconsistent. But like what he told me, "Mahal na mahal natin ang isa't isa kaya wag kang magalala sa communication." That's true. He once told me that nung may resto akong inapply-an but I did made it because guy pala ang need nila.

Kasabay sa 100th day namin ang last day of January, at straight 1 month na akong nagwowork walang day offs. I cannot believe I made it. Few months more and I am in a vacay in Pinas na. This is the reason why I keep on working hard. Para makauwi ng Pinas. Para makita ang pamilya ko and my boyfriend. This is all for my future. I am doing it all for LOVE. Pamilya, sa sarili, sa boyfrienf and lalong lalo na sa Panginoon.

Malakas ang paniniwala kong pag ginawa mo ang lahat ng may PAGMAMAHAL, pagmamahal din ang babalik sa'yo.

So this is how my day went.
#Thankful