Minsan dadating tayo sa point na hindi na natin kayang magtiwala. As in pati sarili nating desisyon sa buhay, hindi na natin mapanindigan.
Madalas kaya tayo palaging beast mode. Madalas kaya tayo palaging nakakasakit or nasasaktan.
Madalas kaya tayo nagiging undecided o naguguluhan.
"May tiwala pa ba tayo sa tao? May tiwala pa ba tayo sa ating mga sarili?"
Hirap ano? Hirap nating hanapin ang landas natin lalo kapag walang wala na tayong makita. Puro failures at disappointments na lang ang nangunguna.
Kaya tayo madaling ma-fall eh. Kapag sa ating mga madidilim na araw eh may nagpakita saatin na maliwanag naman pala ang buhay. Blessing ito kahit hindi pa naman natin sure kung ano ang kahihinatnan. Wala lang. Basta naniniwala lang tayong blessing 'yun. Dahil hiniling natin 'yun kay Papa Jesus at dumating naman. Naniniwala tayo sa Kanya eh.
Kaya aalagaan natin ang lahat lahat at gagawin natin ang best natin. Kasi we believe na galing 'to sa Panginoon. That person is from Jesus. Normally, wala naman talagang taong dadaan sa buhay natin na wala lang. Or depende din talaga, masyado kasi akong palaisip kaya ko naiisip 'to. But in case you have no idea and you always want to play safe as always, sana maisip mo na.
"Everything happens for a reason. If the lesson is not for you, maybe it is for them."
Oo. Minsan kasi ginagamit din tayong instrument ng Panginoon to help someone. Pero di ka nya gagamitin king alam nyang di mo kaya. Galing nya ano? Paano mo napapagbago ang buhay ng isang gago, este tao. Hehe.
Wag ka munang mamangha. Antayin mo pa ang next move ni Papa God. Tiwala ka lang talaga sa kanya. 💙
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment