Before I sleep...pa-post muna ng isa kung gaano ako ka Thankful ngayong araw na to. Last day na ng February.
Kada 4 yrs lang daw may 29 kaya gagawin kong memorable ang araw na 'to.
2nd month ko ng walang day off (as usual di naman ako agad nakakatulog kapag umuuwi s bahay galing part time) and I am still fine and feeling blessed. Pinipikit ko ang mata ko at fine-feel ko kung gaano ako pasalamat sa lahat. Hindi ko na maisa-isa, really.
Pero may dalawang tao akong gustong i-highlight sa post ko.
I was talking to Mama kanina lang, sabi ko "Ma, kausap ko si Kerk kanina kaso, konti lang yung time mahal na nga ang net nya, lalo pa nagmahal nagbago na kasi." Her response was, "Buti nga at may internet na. Noon nga anak, 2weeks bago matanggap ng magkasintahan ang mga love letter minsan higit pa lalo at nasa abroad, eh nagkakatuluyan rin eh." Uso daw noon ang love letters at penpal.
Ilang beses ako diniscourage ng parents ko noon s pagnonobyo na iyan at napasok pa ko noon. But ngayon ibang iba na...isa na rin si Mama sa nagpapalakas ng loob ko araw-araw. Sya ang lakas ko rin. Hindi ko alam ang hitsura ko kung wala siya dito. Na noon akala kong kaya ko ng mag-isa. Dahil ilang taon ko naman na siya hindi nakasama. Independent naman ako, pero, iba pa rin ang "Mama".
Ang sarap sa feeling nung nakikita mong masaya ang Mama mo dahil masaya ka sa ginagawa mo at sa nangyayare sa buhay mo at nagagawa mo ang lahat gracefully. Have you ever felt like that? Have you ever felt your self worth? Well, you should feel it. You are precious. Tapos mas maaappreciate mo pa lalo ang mga tao sa paligid mo kapag alam mo ang halaga mo. Humbly saying.
Sa twing magkakatampuhan kami ni Mama at tyempong online si Kerk, nagoopen ako sakanya. Pinagsasabihan ako. "Dadalawa na lang kayo dyan, magkakatampuhan pa kayo."
Minsan sasabihin ko, hindi naman yata proud sakin si Mama di ata ako mahal. Sasabihin ni Kerk, "Akala mo lang iyon. Mahal ka noon."
Kapag nagke-crave ako sa cheesecake, or hamburger at bibili ako, laging sinasabi ni Kerk, "Bilhan mo rin ang Mama mo at baka gusto rin."
Hindi nya alam, pansing pansin ko ang mga salita nya. Makes me love and appreciate him more. Ako lang daw ang babaeng nakapagsabi sakanya na mabait sya. Hehe. But he really is. Baka bulag yung iba...salamat at bulag sila at pinalampas ka. Akin ka na ngayon. :P
I am thankful. Sila yung mga nagpapalakas ng loob ko araw araw. Lagi kong sasabihin sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Araw araw hanggang sa maumay sila sa I love you ko. Hehe. Kasi I am afraid of time. Time, hindi mo na maiibalik yon eh once natapos na ang araw.
For that, Amen! Maraming Salamat Panginoon! Thank you!
Masyado ng mahaba. Haha. Good night! ❤❤