May ilang nag aabang nito at may ilang dedma lang naman. Pero gusto kong magkwento at wala 'kong pake kung may audience ako o wala. Haha. This is my digital journal. Kung saan nakakapagsulat ako kahit madilim ang paligid. 😁
Eto ang Valentine's na nakaramdam akong totoong may nagmamahal sa akin.
May kwento ako mga tropa. Kumusta nga kaya ang 1st Valentine's Day namin ni Kerk? 😂
Eto. Lamang sya ng 2hrs saken. Mahirap pala. Akala ko, okay yung sya ang nauuna ng oras mas okay palang hindi. Dahil di pa ko tapos sa trabaho, eh nauuna na sya. Pagod na sya at antok bago pa ko maka chat ng maayos.
So February 13, tumawag ako sa kanya mga 8:17PM sakin. Sakanya, 10:17PM na. Sa wakas sinagot ng receptionist at kinonekta ako sa cabin nila..kaso ang sumagot eh si kuyang roommate. Wala daw don si kerk. Kakalabas lang daw. Sabi ko...okay...tatawag ako uli mamaya.
Inulit ko. Mga 8:44PM. Nagconnect ulit. Pero walang sumagot. End call.
10PM sa time ko, tumawag ako uli. 12Midnight na don. Sa isip isip ko, baka nasa kwarto na.
Si kuya uli ang sumagot. Wala pa daw. Nasa party daw. Si kuya na lang ang binati ko ng Happy Valentines. Napatawa nga sya kasi sya ang binati ko. Haha! Goodnight daw sabe nya. Sabi ko pakisabi na lang din kay Kerk. Oo daw.
Feb.12, sinabi nga pala sakin ni Kerk na may party sila kinabukasan. Nakalimutan ko lang. Excited kasi ako eh. 1st Valentine's namin. Lam nyo na. Girls problems. 😂 kelangan masaya kahit di mo kontrol ang pagkakataon.
Anyways, so ayon. Ang ending di ko nakausap.
Nauunawaan ko. Masaya ako kasi andon sya. Pero may kirot di ga. Alam naman nyang Valentine's di ga. Baka sobrang saya lang don sa party kaya di ako naalala. Pero di ako galet. Nauunawaan ko. Kahit siguro ako yung andon, makakalimot din ako at di naman ako agad agad makakaalis lalo na kung party ng buong team yon. (Palakpakan ang understanding gf! Natutunan ko lang yan. Swerte nya sakanya ako nagkakaganito. Haha!)
February 14,2016. 2:40PM sa oras ko. Sa kanya, 4:40PM. Gising na yon siguro dahil natutulog yon kapag tanghali.
Nag connect ang tawag ko. Salamat naman! At ayon. Aantok antok nga ang boses nya. Nagising lang sa tawag ko. Magoonline daw sya sa gabi.
Excited naman ako. Syempre sa wakas makakausap ko na sya. Ang saya!
Di naman kasi ako naghahangad ng mga gifts, flowers at kung anu-ano ngayon. ORAS lang, masaya na ako. Ang mahal kaya ng 1hr internet nyang mabagal pa sa pagong. £5. Haha! Di man lang maka view yon ng pictures sa FB. Buti at nakakaya ang videocall kahit choppy.
So ayon. Mga 8:30PM sakin nag Online. Hay. Kaso sabe nya, magpapaayos daw sya ng tattoo. Magvideocall daw kami kahit tinatatuan sya. Nainis ako. Bakit kelangan isabay? Di ga? Wag nyang sabihing pagod sya para ipagpaliban ko ang tampo ko, eh nagpapatattoo pa sya. Haha. So ayon. Nagtampo ako kasi di ako ang inuna. Hindi nya pala alam na tumawag ako nung gabe sa kanya. Di pala sinabe ng roommate nya. Baka bitter na rin. Baka naiinggit at madalas may natawag kay kerk tapos sa kanila wala. Hehe. Malay ko kung ganon ang eksena don. Ang galing galing kaya ng Mahal ko sa trabaho, kaya madaming naiinggit don eh. Char! De, totoo talaga.
Nagtampo ako. Nagoffline sya at sayang daw ang oras. Tas di naman din nakatiis. Nag online uli. Nagsosorry. Naglalambing. Tinatarayan ko. Nilalambing ako. Haha. Ang saya ko kasi ngayon lang kami nagkatampuhan. Sa totoo lang di ako nalulungkot ngayong Valentine's na nagkatampuhan kami. More on masaya ko dahil nakikilala pa namin ang isa't isa kapag nagkakatampuhan. As in! Tapos nagka videocall kami ng 3mins...kasi kakain ako nun kaya sabe nya kumain muna daw ako. Kitang kita kong antok na antok na sya. Eh di ba nga lamang sya ng dalawang oras. Kaya ayon. Atleast, kahit parehas kaming pabebe...may nagpakumbaba. At sya yon. Akala ko lalaban pa eh. Haha! Pero ang saya ko. Promise. Eto ata ang Valentine's na kakaiba ang natanggap kong gift. Gift of giving, understanding, loving. Eto ang Valentine's na nakaramdam akong totoong may nagmamahal sa akin. Kasi yung madalas namang mangyare sa mga ganitong araw, magbibigayan ng regalo tapos, tapos na. After nun, wala na. Eh eto. Iba para sakin. Hihi. Ang cute nya pala maglambing. Haha! Ang sarap yata magtampo madalas pag ganito. Lol.
Kasi ito ang Valentine's ko na walang halong kaplastikan. Parehas kaming nagpakatotoo. Ang saya. Hihi. Dun mo naman makikita yun eh sa mga tampuhan. Di ba :)
Yung feeling na.. Ganito pala kami magkatampuhan. 😂😍 lalo ko tuloy minahal yon. Haha kung tutuusin ang babaw lang ng dahilan pero di nya sinabing mababaw ako or what. Naunawaan din nya ko. La lungs. Panis ang flowers at kung anu-ano ng iba dyan. Love. Pure love ang natanggap ko. ❤️
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment