Drama?

Drama ga kamo?
Sadyang madrama ako. Mas gusto ko pang ipost yung mga masasayang nangyayari araw araw sa buhay ko kaysa sa mga hindi. Kung drama ang lahat ng ipopost ko baka madami ng galit saakin.

Ayoko kasi nung mga nakikita kong rants at bad vibes sa newsfeed ko. Ayoko gumaya sa kanila.

Hindi ko alam. Pero siguro kung paguusapan natin ang buhay ko ngayon, baka mag breakdown ako sa harapan mo anytime. Dahil mahirap talaga.
Dahil kahit anong saya mo, kapag binalikan mo yung mga nangyari sayo sa buong maghapon kada uuwi ka ng gabi, nakakaiyak na pala. Para ka na palang makina. Kaya kaylangan talagang maging masaya ka palagi. Kasi kung hindi, malulusaw ka ng buhay. Liliit ang utak mo. Wala kang magagawang matino.

Kagaya ng buhay ko noon. Pero tapos na ko dun. Kung ibabalik ko ngayon lahat ng mga alaalang 'yon baka mabadtrip lang ako.

Pero sa bandang huli maiisip mo.
"Tangina, nakaya ko yun? Ang tapang ko pala. Ang tatag ko pa pala."

Mga bagay na hindi ko akalaing nalampasan ko noon at mga bagay na hindi ko akalaing nagagawa ko ngayon.
Salamat sa pag-ibig sa totoo lang.

Salamat sa pag-ibig.

Na hindi ka nakakaramdam ng pagod.
Na natututo kang bumangon sa pagkakadapa.
Na natututo kang magmahal sa sarili mo.
Na natututo kang maging maamo at mawalan ng galit sa kaloob-looban mo.
Na natututo kang magbalik-loob sa Panginoon ng hindi mo namamalayan.

Love will keep us alive. Iba ibang klaseng love na hindi mo aakalaing nag-e-exist.
Malapit pa naman ang Valentine's Day.
Kagaya ng pasko, lagi nating i-feel ang araw na 'to. Dahil hindi lang to siguro para sa mga LOVERS. It is about loving yourself too.


0 comments: (+add yours?)

Post a Comment