Malapit na nga agad mag March eh! Akalain mo 'yun!? Kelan lang limang bwan ang inaantay namin then bilang ilang weeks na lang ngayon. Ako kasi, sa bilang ko, 92 days at nasa pinas na ako. Tapos sya 97. 😍😍
I am now listening to Eraserheads. Spotify syempre tapos Radio. Paborito nya ang banda na 'to. Dati pa naman akong mahilig sa OPM pero nakalimutan ko na rin ang makinig don. Ngayon, nabuhay ang dating ako. Yung ako na mahal ko. Ang nice talaga ng feeling ng nagagawa nya sakin. Mahal ko talaga sya. Tangina. Mahal ko si Kerk. Nakakapamura sa tindi. 👌🏻
Ano pa bang sasabihin ko? Wala naman na akong ibang maisip kundi ang mahal ko sya. Mahal ko rin sarili ko. Hindi ako obsessed. Haha. Alam mo yung feeling. Na crush mo ang boyfriend mo? Parang ganon eh. Haha. Kung kelan ko sya naging boyfriend, naging crush ko naman sya. 😂😍
Matatawa 'yon kapag nalaman nya. Haha. Sa angkira ko sa kanya, grabe nga. Ngayong lang ako naging patay na patay sa lalake eh. 😍😍😍 improving lang kase hindi na kasing patay na patay na kagaya nung teenager ako na as in parang hindi na nagiisip, ngayon naman eh balanced ang lahat. In control, experienced na kami eh so parang hindi naman na baguhan sa ganito. Lakas lang maka hayskul ng feeling pero...matured version. 👌🏻😍💕
Wala lang.
Kinikilig lang.
Hindi na ako makahintay na makita syaaa! Geh na nga, erase erase, delete delete. Ayoko ma-excite. Baka do na naman ako makatulog.😂
Soooo ayon na nga, I am on my 41th days already! Less than 2 months na lang mga dear! Konting konti na lang!
Samahan nyo ko ha, ikukwento ko agad ang feeling kapag nagkita na kami. ❤️
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment