Day 100

0 comments

Writing this while waiting for my train; going home from work at Arturo Soria

It's Sunday. January 31, 2016
9:30PM Madrid Time

Today is not just an ordinary day for me. I felt a lot of emotions that I am not totally used to. I mean, I used but I forgot about it for a long period of time already.

It has been a long time since I felt the need of attention. The feeling of "I want him and his attention only." Obviously, from the man I love, Kerk.

Today is different. Maybe because kf two things. 1. It's our 100th day and this is my first time to value the day like this. 2. Valentine's Day is approaching. And it is our first. 

Funny thing was, I was in a couple of relationships for years and I have never experienced an unforgettable Valentine's Day of my life. Really. I was thinking that my ex's are gay (sorry for the word) for not knowing that day is ultimately special for us girls. But I don't care.
Normally, I am receiving chocolates. Well, okay. Appreciated. But what else. I mean, nothing new and special. I want a flower even though I always say I don't want it. I want it bad. I was just testing them and they did not passed my test.
Glad I am over with them. 😂
Anyway, I am not expecting for something special this coming Valentine's. I am in a long distance relationship and I am understanding the situation. Really. Things are things you know. They fade and get old but the memories will stay. I want a memory that I can remember forever.

So much for St. Valentine's.

I am glad that we have reached this stage where we are 3 months together and still we are loving the same way as before. We have encountered little problems but you know what, love is over all of it. Our love is bigger than those. I just hope we continue being like this. I just hope we don't get tired. Our situation is really hard and communication (which is important) is inconsistent. But like what he told me, "Mahal na mahal natin ang isa't isa kaya wag kang magalala sa communication." That's true. He once told me that nung may resto akong inapply-an but I did made it because guy pala ang need nila.

Kasabay sa 100th day namin ang last day of January, at straight 1 month na akong nagwowork walang day offs. I cannot believe I made it. Few months more and I am in a vacay in Pinas na. This is the reason why I keep on working hard. Para makauwi ng Pinas. Para makita ang pamilya ko and my boyfriend. This is all for my future. I am doing it all for LOVE. Pamilya, sa sarili, sa boyfrienf and lalong lalo na sa Panginoon.

Malakas ang paniniwala kong pag ginawa mo ang lahat ng may PAGMAMAHAL, pagmamahal din ang babalik sa'yo.

So this is how my day went.
#Thankful


It is not just about the Numbers

0 comments

2 years, 4 years,
5 months or 3.

Our relationship with someone is not based on how long we are together; long distance or not.

It always depends. Isn't it so crazy that everything is not absolute? Yes. Sometimes, we are in a relationship of years already and we end up treating each other as nobody. That after all those years you have shared together, all your efforts will be gone in just a snap and you'll realize that we are not really for each other. No regrets, but, what about those years you think you have wasted with the wrong person. It hurts to think that your precious time was spent with someone not meant for you.
Past is past, but really, there are times  I am alone and thinking about those things.

Again, no regrets.

It is a part of life that we need to accept. It happens. It is not a bad luck. It is a lesson learned. You helped him/her. You became a part of someone's life for years and believe it or not, even how bad that relationship went, still we are all a blessing to our ex's.

Enough for our pasts.
Counting distance, it is just a number. A product of Mathematics that only makes us feel farther to the person we love the most. All sums up to loneliness when we're thinking we are this far from him/her. Really. I hate Math but I love how this Mathematics adds my experiences to my present life and resulting to a wonderful me that I never imagined I will be.
True love has no measurements.
When you feel you're sure without any hesitations, you can always say YES.
You're not just gonna count how many years you've spent with your partner, you are not going to count how many times you forgive and forget.
It is not always based on that.

True love is selfless. True love doesn't care if it is too much. We should not be afraid of being "too much" anyway. It is our way of expressing ourselves. Whoelse in this world can spoil us but ourselves.
True love conquers all.

If you love someone, let yourself love that person. If you are not meant for each other, if you are the only one who's loving and hurting at the same time, do not worry for the love will fade peacefully.


Do not count years... just love the real love.

New Year's Eve (Late Published)

0 comments

2.35 AM
Hindi ako makatulog, pero kailangan ko matulog kasi mamaya,may byahe ako papuntang Toledo.
Nirecord ko tong blog ko na 'to sa phone ko kasi wala na 'kong time para mag-blog. Mapupuyat ako.

Nag celebrate kami ni Mama sa Cuatro Caminos ng New Year sa bahay ng mga pinsan ko. Feeling ko, masaya naman si Mama kasi dalawa lang nga kami sa bahay, maganda naman na may kasama rin kami.
May handa silang, spaghetti, dinakdakan, leche flan, pakbet, lechong kawali. Yung Mama ni Ate Cathy yung nag-prepare non.
Sya yung nag luto. Ang sasarap nga eh.
Ang galing. Tapos nag beer-beer rin kami.  Cerveza con límon.

Mga bandang 11.11 PM, December 31, tumatawag ako kay Kerk kasi nga alam kong ganong oras yung free time nya sa oras ko. Advanced ako sa kanya ng 1hr. Naka-connect naman ako sa cabin, pero walang sumasagot so inisip ko na lang baka busy sya, yung kagaya nung pasko na parang straight ang work nya hanggang matapos ang new year. Saka hindi ko na rin masyadong pinilit kasi maingay din naman don sa bahay ng pinsan ko.
Mga 12minutes bago mag New Year dito, tumawag sya. Before pala sya tumawag,nag online muna sya pero basta na lang din sya nawala sa chat kaya ayun, tumawag. I am so happy, sobrang saya ko kasi naalala din nya ako. Sakto pa. Yung mga maliliit na bagay na nagagawa nya, ang sarap sa pakiramdam at naa-appreciate ko yun.

Yung 2015 ko talaga andami ko napagdaanan pero dinaanan ko lang tuloy pa rin ang buhay. Masaya ako na ganito yung naging ending ng 2015 ko at ganito ang magiging simula. Thank you so much Lord, I am feeling so blessed.

Tumawag din ako kay Kerk ng mga 16 minutes din yon kasi ako din naman yung may balak tumawag talaga at saka New Year naman.
5minutes bago ako mag record nito, tumawag ulit sya. Sinabi nyang pagod sya sa work at masakit na rin ang ulo nya.
Siguro humugot ng lakas ng loob. Dapat daw kasi feeling loved hindi feeling tired.
Ang galing talaga nya. Hehe.

Minsan feeling scared rin ako. Pero wala namang masama at hndi naman yung OA na takot to the point na wala na akong tiwala sa kanya. Para sakin maganda na yung may kaunting takot ka kaysa sobra mong kampante to the point na hindi ka na mag-e-effort. Kasi pag may takot ka, lalabanan mo yun at gagawin mo ang best mo. Para sakin, mas maganda yung may takot. Basta sapat lang at hindi sobra. As long as wala ka naman sinasakal na karelasyon at nasa sarili mo lang naman, then it's fine.

Hiningi ko sya kay God. Hindi ko maalala pero wala naman akong ibang lalakeng hiningi kay God before. Si Kerk lang.
Kasi nung naramdaman kong sya na talaga, sure na ko. Kasi gusto ko talaga ang personality nya. Yun ang kauna-unahan kong minahal sa kanya. I will not elaborate and enumerate kung anu-ano yong mga katangian nyang minahal ko pero yunh buong sya? pak na pak!

Naniniwala akong people change and people learn. Yes. Pero half half lang ang paniniwala ko. Kasi kung ano ka inborn, yun ka na hindi ka na magbabago.
Ang taong tamad, kapag natuto, matututo sya at magsisipag, pero tatamarin pa rin at babalik sa kung ano talaga sya kasi mahina ang foundation. Hindi sya talaga 'yon. Unlike kung talagang pinanganak kang may sipag sa katawan, whatever happens, tamarin ka man, magsisipag ka pa rin.
I hope you get the idea.

Closing this blog,
Yung 2015 ko talaga ay napaka adventurous. Yun ang tamang adjective.
Andami kong natutunan, panibagong chapter na naman, edad, experiences, lahat bago.
Above all, nagpapasalamat ako sa Panginoon for experiencing this. At sobra kong daming natutunan lalong lalo na para sa sarili ko.

I am leaving all the things behind, bad and good, see you all in my memories past na ang mga 'yun ngayon.

NP: Auld Lang Syne



"Nami-miss mong umiyak?"

0 comments

"Nami-miss mong umiyak?"


Madalas kong maisip yan sa twing napapagod ako sa trabaho, sa twing naiisip kong ang hirap hirap mag-ipon at kitain ng pera tapos sa isang iglap, madaling magastos. Sa twing ang hirap ng buong maghapon at parang hindi nakiki-ayon ang tadhana. Na parang walang nangyareng tama. 
Sa twing inis na inis ako sa mga alaga ko na hindi makinig sakin, at sa twing male-late na ako pero kalmado pa rin. Nang minsang mag-selos ako, nang minsang miss na miss ko na ang boyfriend ko at nararamdaman ko kung gaano sya hirap sa trabaho, lalong lalo na kapag wala akong magawa kundi magtiis sa sitwasyong ganito.

Tinanong sakin yan ni Kerk.

Sinagot ko ng OO. Kasi kapag puro negatives ang nararamdaman ko, hindi na ako mapaiyak. Parang naubos na ang luha ko. 

Pero ang totoo, umiiyak naman ako. 

Sa twing papasok ako ng simbahan, sa twing magpapasalamat ako sa Panginoon sa mga bagay na mayroon ako ngayon, napapaiyak akong talaga. 

Na parang kailan lamang ay puro ako hinagpis sa buhay at lagi akong nanghihingi ng lakas ng loob sa Kanya para sa pang araw araw kong buhay at para malampasan ko ang sakit na nararamdaman ko noon... 

Ngayon naman...
Ganoon pa rin, humihingi pa rin ako ng awa sa Panginoon na malampasan ko palagi ang lahat ng ito at lakas pa rin ng loob ang hinihingi ko. Alam kong ibibigay nya yon. 

Napapaiyak ako sa saya at hindi sa lungkot. 

Natuto akong magtiwala sa Panginoon ng buo kaya may tiwala rin ako sa novio ko at sa pagkakataon.

Mahirap magsalita ng tapos...

Ayokong sabihin na hindi na ako takot masaktan, pero yung feeling na alam kong kaya kong malampasan dahil nandyan ang Panginoon? Walang imposible. 

Hindi nya ibibigay sa atin ng walang magandangdahilan. 

Mahal tayo ng Dios. Magtiwala lang tayo.

Etong LDR? Maganda na yung habang bata pa lang nagkakahiwalay na. Kaysa saka pa lang magaabroad kung kailan may mga anak na. 
Para saakin, napakagandang oportunidad ang ibinigay na ito ng Maykapal. 

Pagpalain tayo ng Dios sa araw araw. Marami tayong dapat ipag-pasalamat kaysa ipaghimutok sa buhay. Napaka bata pa natin para mamroblema sa mga bagay na simple lang naman at kayang kayang maresolbahan ng pananampalataya at pagdarasal.

Matuto tayong tanggapin ang ipinagkaloob sa atin at huwag ng tumingin sa mga kung anong mayroon ang iba. 

Ang malupet na LDR ay hindi ang magmahal sa malayo. Kundi ang magmahal sa hindi mo pa nakikita, pero pinaparamdam ang pagmamaha niya. Si Lord yun. 

Amen. 




SAYANG! PERO OKAY LANG! :)

0 comments

Ilang years na ba tayong hindi nagkikita ng personal.

2nd year high school pa yung last na malinaw sa alaala ko eh. Bata pa tayo nun at kahit nga po yung hitsura ko noon hindi ko na rin maalala.

Noon pa naman ang bait mo na saken. At ang bait ko na din sayo.

Pero konti lang naman talaga ang maalala kong alaala sa'yo.

Pero nagtataka ako kasi, hanggang ngayon  tandang-tanda mo pa kung gaano kasakit yung kurot ko sa'yo dahil sa kaingayan mo. Pati na ang mga pangongopya mo sa akin kapag may exams at homeworks tayo.

Tapos ayun. 3rd year, hindi na kita kaklase. Tuloy lang ang buhay.

Hindi naman tayo best friends.

Hindi naman tayo solid na tropa.

Kaya hindi tayo naapektuhan sa pagkakalayo nating dalawa.

Para lang tayong mga strangers noon na magkatabi sa upuan sa klase.

Yun lang. Hanggang dun lang.
***

Sa lovelife.

Ang dami ng babaeng lumampas sa buhay mo. Sakin naman, wala pa sa 3/4 ng sa'yo. Pero dahil sabi nila good keeper daw ako, kaya nagtatagal ng years. 6 months, tapos may 2 years and 6 months, tapos may 3 years and 10 months.
Tapos yung sa'yo naman, months lang. 10 months pinaka matagal di ba? On and off pa. Hehe.

Mula't sapul, ang tingin ko kasi sa pakikipag relasyon eh paghahanap ng makakasama mo habambuhay hirap man o sa ginhawa. Hindi naman dahil sa stick-to-one ako. Meron lang talaga akong pananaw na ganito. Promise. Yun nga lang kahit na nagtatagal ng years, habang tumatagal rin, nalalaman kong hindi sila ang gusto kong makasama. Hindi sila ang para saakin. Buti na lang sumuko ako sa kanila. Kahit na nasa ibang level ng relasyon na.

Ikaw, lalake ka. Alam ko namang nagseryoso ka rin sa kanila. Pero hindi ka yata nila kinaya. Buti na lang nga talaga eh sinukuan ka nila.
Kasi ngayon, alam ko sa sarili kong ikaw, kaya kita.

Ang aga kong sabihin 'to no? Eh babago pa lang tayo. Kung tutuusin nga hindi pa talaga tayo nagkakasama talaga.
Pero dahil nga our mental connection is to the maximum level... aba sure na ako.
Di ba nga, love has no measuremets.
Age, Height, Weight, Time and Distance, numbers lang 'yan.

Hindi naman ako excited kaya ko nasasabi to. Malaki lang talaga yung tiwala ko sa panahon. Sa pagkakataon. At sa tadhana. Hindi naman kase tayo magkakasalubong lang ng para sa wala.

Siguro, kaya tayo nagkalayo noong bata pa tayo dahil may dahilang maganda.
Siguro dahil nga ang kulit rin natin sa klase, baka nagka-developan rin tayo nun.
At baka dumaan lang din tayo sa buhay ng isa't isa. O baka hindi tayo magtagumpay ng kahit konti sa mga pangarap natin hindi ako maka-graduate ng college at ikaw naman hindi ka nakapag chef sa Cebu.
O kaya naman ay hindi tayo makapag-abroad dahil maaga tayong nagka-pamilya. Di ga? Maraming pwedeng nangyari noon na napigilan ng tadhana. Dahil hindi pa 'yun ang tama.

Lakas ng imagination ba? Pero hindi nga. Malay mo.

Pero SAYANG.

Parehas lang tayong taga Agoncillo. Hindi naman sobrang layo ng bahay nyo.
Parehas lang tayong iisa ng University.
Pero ni minsan, hindi tayo nagka-banggaan kahit ngitian man lang.
Sayang yung noon na pede pa rin sana tayong magkakilala para magkasama tayo ng mas maaga at para mangarap ng sabay.
Pero siguro nga, hindi pa rin yun ang tamang tyempo. Haha. Kasi yun nga, iniiwas tayo siguro ng tadhana.

Pero sayang. Sana hindi na lang din ako nagkamali sa ibang tao. Sana ikaw na lang yung matagal na naging karelasyon ko.
Pero okay lang...kasi ngayon, natuto na ko..natuto na tayo.

Dahil dyan sa pagmamahal tayo nagsisimulang bumangon. Dahil sa pagmamahal, may dahilan tayo sa pag-gising natin tuwing umaga.

At sabi nga ng post ng friend ko sa FB,

Ang tunay na saya ay dahil sa tunay na pag-ibig.

Hindi tayo nagkasama ng matagal noon
Kailangan pa pala nating umalis sa Pinas para magtagpo uli. Internet/Facebook world pa.

Sayang! Pero Okay lang!




LAGI MONG TATANDAAN

0 comments

May boyfriend/girlfriend tayo.

Hindi lang natin kasama.

 Hindi lang natin palagi kausap.

Hindi lang natin palagi nakikita.

Hindi lang natin palagi nadadamayan.

Hindi lang natin palagi naiisip. (minu-minuto, segu-segundo)

Pero meron talaga.

Matapang ang loob natin.

Dahil alam nating nag-mamahal tayo ng totoo.

Dahil alam nating totoo tayo sa sarili.

Dahil alam nating parte ng buhay ang masaktan.

Dahil alam nating kasama sa buhay ang mag-tiis.

Dahil alam natin oras ang kalaban ko at hindi ang sarili natin.

Lalo't higit dahil malakas ang paniniwala natin sa PANGINOON nating MAHAL TAYO.


...


Sino bang may sabing madali?

Parang sa damit... kahit anong brand pa yan, NASA NAGDA-DALA YAN.

Parang sa pagluluto... kahit the best sa garnishing, NASA TIMPLA YAN.



Isang bagay na napatunayan ko, WALA SA TAGAL YAN.

Umpisa pa lang, mararamdaman mo na kung hanggang saan mo kaya, hanggang saan mo ipaglalaban, hanggang saan mo matitiis, hanggang gaano ka magmamahal.
RAMDAM mo 'yun.
ALAM mo 'yun.

At hindi mo maloloko ang sarili mo.


Pero hindi mo rin masasabi ang pagkakataon. Masasaktan ka. Masasaktan mo siya. Hindi nyo gugustuhin, pero mangayayari. Magbabago yan. Maya-maya may stress ka nang mararamdaman.
Stress changes people. Makikiramdam ka, feeling mo aayaw ka na.

Pero isang bagay lang...

Hangga't totoo pa rin tayo sa nararamdaman, maganda pa rin ang lahat ng kahihinatnan.


Hindi porke nasasaktan ka at pinagpapatuloy mo, eh tanga ka na.
Alam mo lang sa sarili mo na MAHAL MO PA.
Kaya ka nga hindi sumusuko dahil may ipinaglalaban ka.

Pero ingat din kasi kagaya nga ng sabi sa kanta ng Parokya:

¨Pero sana'y ipinaglalaban ka rin 'nya."


minsan mapapaisip ka. pero wag magpapadala sa emosyon porke't nasasaktan ka.

dahil laging kailangan na MAY BASEHAN KA.

WAG MONG PAKAKAWALAN LALO AT ALAM MO NAMANG MAHAL KA TALAGA AT PINAPARAMDAM SA'YONG MAHALAGA KA.




Dear MAHAL,

0 comments

Dear Mahal,

Hello. Kumusta? Mahal na mahal pa rin kita. Miss na miss na rin.
Absent na ko ng ilang araw sa pagsusulat sa notebook kong Kerk ang pangalan. Pagod na ang kamay maghapon sa trabaho kaya minsan pagod na magsulat, kelan kaya mapi-feel ng kamay ko yung kamay mo? Malapit na ba ang April? ☺ Uyy. Excited ka na naman. Ako rin don't you worry. Same feelings lang. 

Salamat sa ilang gabing straight na nagoonline ka. Gumagastos ka pa. Mahal na mahal kita. Nakakagana yun ng pang-araw araw. Nakaka-ganda rin. Haha.
Pero alam ko namang hindi palagi yun. Nagtitipid tayo. Pounds ginagastos mo saken Euro. Hindi biro. Haha! 

 Ibang klase ang hanging dinala mo saken. Alam mo ga, minsan hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Haha. Paulit ulit na ako. Lagi ko naman yang sinasabe sa'yo. Na hindi ako makapaniwalang tayo. Na girlfriend ang tawag mo saakin. Ang sarap pakinggan. Feeling ko babaeng babae ako. LOL. 

Salamat sa pagpaparamdam saken na kahit matapang yung loob ko, eh hindi ko makakaya ng wala KA. Kaya, pero ikaw ang inspirasyon ko. Alam mo eto talaga yung hanap ko. Yung lalake na will bring the best in me. Umpisa pa lang ramdam kong ikaw na 'yun. 

Kaya ayaw kong pakawalan ka.

Kaya alam kong akin ka. 

Kaya gusto ko doble ang pana ni kupido sayo. 

Kaya ipapahiram mo sa'kin ang helmet mo ha. Kasi ayaw kong mauntog. Dyan ka lang. Steady ka lang. Dahil dito lang din ako para sa'yo. 

"Andito lang ako." -vhey

"Sige, wag kang mawawala ha. Mamahalin kita ng sobra." -Kerk

Haha. October 21, 2015

Nung sinabi mo iyan saakin. Shit. Nakakakilig pa rin. Ayaw kong mawala 'to. Kaya gagalingan mo. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam kong magiging masaya ako sayo. At alam kong alam mo yun! 

I LOVE YOU KERK! 
GOODNIGHT!!


Love,
Vhey24

Mahal ko...pa-Hug!

0 comments

JLATE POST
14.1.16

He's now in Cape Verde. 2hrs advanced ang oras ko sa kanya. He's gonna make libot until South Africa, Madagascar, Egypt. Come on. Lucky guy nga ang tawag ko don. Hehe.
Now he is resting kasi nga pagod na pagod sya sa trabaho. 

Knowing na nasa puerto sya at nakaka message ng kahit hindi straight, okay na ako don. Much better kesa alam kong nasa laot sya. Ewan ko. Ang kampante ko na kapag alam kong nasa puerto. 
Kampante na ko basta maka message sya kahit 5x lang. Kahit miss na miss ko na. 

Busy din kasi ako sa trabaho. Kahit na kapag sinasabi nyang mag video call kami ginagawan ko ng paraan and i am doing my best na magreply sa mga messages nya as soon as i can. Kahit naghuhugas pa ko ng plato. 

Mahal ko sya eh. ❤

Bago sya mag rest, may naramdaman ako na gusto kong mayakap sya para maramdaman nya yung pagmamahal ko. 
At ganon din ang sinabi nya saakin. Parehas nga yata talaga kami ng nararamdaman para magbigayan kami sa isa't isa ng ganito. 

Maikli lang ang blog na ito. I just want to save this date na naramdaman ko bigla na gustong gusto ko syang yakapin with sincerity. 

I know na dapat naman talaga private ang mga love love na yan. I am just expressing myself. 

I don't need to explain, right? 😊 

I am so proud of this feeling and I can't contain it! I hope some of you can understand because wala naman ako laging nakakausap at hindi naman ako makikipag usap sa ibang guy para mapunan ang everyday ko habang wala sya. Flirt flirt? Nope. He is all I wanted. Kerk is all I wanted. ¿Intendeis? 

Chao! 😘


Everywhere I see him (late published 10.01.16)

0 comments

January 5, 2016. That's the last day he's online on Facebook.
I was a little hurt na hindi kami nagka-video call. I can't insist. Maliit lang yung 500mb data nya for a videocall. Mauubos agad 'yon in less than a day.
He never explained though. Pero alam ko na yun kahit di nya sabihin.

Ganun kami magkaunawaan parang lagi na lang Automatic. Kahit miss na miss ko na sya at gusto ko rin syang makita.

Pero pagdating sa ibang bagay like "Bakit mo ni-like yung picture ng ex mo? Wala namang problema sakin kung friend mo. Tignan mo na lang bakit ila-like mo pa?"
(Haha.. Eh ako kasi wala akong friend na ex ko. At di ako happy sa mga ganung ila-like pa. Tignan na lang d ba. Di ko naman pina-unfriend pero sya yung nag unfriend. LOL.)
Eh ayun nagpapaliwanag sya kahit nauunawaan ko naman. Ganon kasi mga lalake. Minsan wala naman talagang dahilan pero nagagawa nila. Parang wala lang, napa-like lang. Pag natatapat na may toyo ako napapansin ko mga ganang bagay. 😂 i mean, di ko pala pinapalampas kahit na alam kong nauunawaan ko rin. Masakit din po kaya.

Anyways, yun nga. Ang tagal na namin hindi nagkikita. December 31 pa yung last. Grabe. 10 days na from that day. Ang hirap. Buti na lang kahit papano, everyday may text sya. That's enough for me. Sobrang nakakatulong yon. Pero kahit may text everyday (isa or dalwa) miss na miss ko pa rin sya. Iba pa rin. Gusto ko syang damayan sa araw araw at alam kong ganoon rin sya saakin.

I love him so much it hurts.

As in... kahit saan ako magpunta, knowing na nagluluto talaga sya lagi ko syang naaalala. Sa knife, kawali, kaldero, apron, pot holder, baso, kutsrara, tinidor, at lalong lalo na ho sa mga gulay. Minsan nga napapagusapan din namin yang mga gulay na yan dahil medyo may mga bago sa amin. Hehe. Wala naman yung iba sa Pinas eh.
May pinakita pa sya saakin na kalabasa na size lang ng 5peso coin. Haha. Ang cute nga.

Everyday naaalala ko sya hanggang sa minsan hindi ko na lang din pinapansin yung nararamdaman ko kasi nga ang hirap kumilos. Sobra. Akala ko nga kapag nasa kusina lang ako ska ko sya maaalala madalas. Doon pala ako nagkamali.

Habang naglilinis ako ng sala ng amo ko, nakita ko yung magazine ng barko. Grabe. Nagpause yung lahat lahat. Hindi ko kayanin yung pagka-miss na naramdaman ko. Nanlambot ako na nanlumo. Bakit ganon. Napapaisip ako minsan kung bakit ganitong emosyon yung madalas kong maramdaman sakanya. Hindi pa naman kami uli nagkikita matapos ang mahabang panahon. Hindi din kami nagkasama sa Pinas. Tapos ngayon, ganito ako sa kanya. Na parang ang tagal ko na syang karelasyon, na parang ang laking parte agad ng buhay ko ang kabahagi nya.

True love? Twin soul? Soulmate? Destiny?

We will see.

Menos Kilig, Más Pag-ibig

0 comments

¡Que sí!

Kinikilig pa ako syempre. Mahal ko eh. Lalo kapag mang-gugulat sya ng mga salita nyang gustong gusto ko. Tipong, aakalain ko bang makakapagsalita sya ng mga ganon saakin. ☺☺☺☺

Spoiled ako sa words of wisdom nya. Spoiled ako sa walang ubos na paalala at maraming maraming MAHAL KITA. Nakakakilig sya palagi dahil he never fails to be the man I loved kahit nung una pa lang. Kaya ko sya minahal kasi ganyan sya. Kung ano sya. I always respect him being a Man and I cannot change him because he is my type. My kind of guy. If I ask to change him the way I want him to be... sana nakipag in a relationship na lang ako sa sarili ko. Walang pagkakaiba. Di ga?

Been there. Done that. And that's not worth it.

Hindi na 'to kasing kilig noong babago pa lang kami. Noon na ang alam ko lang naman ay bibihira syang mag-online. Noon na ang alam ko lang naman ay basta basta na lang syang susulpot. Nakaka-kilig pag basta na lang tutunog ang messenger ko tapos name nya agad ang makikita ko. Nakakakilig na nakaka-bata na parang babago pa lang talaga kaming magkakilala.
Nakakakilig the way na hindi ako makapaniwalang kami na. I am very sure that until now hindi pa rin ako makapaniwala. But that is not where it will end anyway. Mahal eh. Kaya walang ubos na kilig ito. Walang ubos na amusement.

Noon din, wala akong "masyadong" idea sa mga pinag gagawa nya at sa timetable nya, kelan sya mago-online. Di ba nakaka excite yon. May thrill. Basta na lang sya andyan. Basta na lang tatawag. Talagang halos wala akong pinapalampas na calls nya kasi bukod sa alam kong mahal, eh di ko na din nga alam kung kailan sya uli makakausap. So, very sad ang part na yon. Pero nalampasan ko. Haha.
Siguro ay 3 times ko pa lang naman namiss ang calls nya. Pero grabe sobrang lungkot ko kaya nun.

Kasi ngayon iba na.

Kasi ngayon mas united na kami. Hindi nyo lang mahahalata yon kasi di naman kami sweet sa Facebook. Bibihira nga kaming mag - "i love you" sa comments.
Ngayon may kopya na ako ng schedule ng cruise nila hanggang April. Di ba bongga. So alam ko kung kelan sya makakapag online, kailan hindi.  At buti na lang napakamatandain ko pagdating sa mga ganyang bagay (which is very ironic dahil makakalimutin ako lalo pag para sa sarili ko LOL) at kabisado ko na ang oras ng break time nya at tapos ng trabaho. Andami kong contact numbers nya. Nakakatawag din ako minsan don sa barko, and the cost of calls? Guys, hindi biro. Haha! But pera lang yan. Pero dahil pauwi nga kami,  tipid tipid. Pero di din maiwasan na magtawagan talaga. Pera lang yan at ang oras hindi na maiibalik..lagi kong sinasabi yon sakanya at yun naman din talaga ang prinsipyo ko sa buhay.

At least...

Dami nyang taga hanga. I cannot blame them. Ipinagmamayabang ko sya. He's like a traveler na kung saan saan nakakarating. He's like amazing talaga especially to the people who knows him (they know him too and who he is) lalo at andyan sya sa kinatatayuan nya ngayon. But meeee? Seriously, (alam din to ni Kerk) na hindi ko sya minahal dahil sa ganda ng katayuan nya. I mean baka bonus na din yon. But yung kung ano yung pagkatao nyaaaa? Doon ko sya minahal eh. Napaka hardworking. Napaka ideal man. Napaka KERK. He's my one. Eto na to. Panahon ko na.
Well you guys, kung naka based lang kayo sa paghanga over sa photos nya, hanggang don lang yon. Ako, alam ko ang istorya sa likod ng mga larawan na yun.

Who's gonna understand him the way I do.

Yung iba dyan, sasabihin maganda ang alon sa inupload nyang video. They don't even know how I feel nung dumaan sila don. I cannot even sleep. Nagaalala ako. Naiiyak ako over the phone nung tawagan nya ako at nawala ang connection bigla sa tindi ng hampas ng alon. Come on. Hindi biro. 

Hindi lang to basta kilig. Pagmamahal.
He's proud of me. I am proud of him.
Nothing is more ideal sa ganitong relasyon. No one knows. Kami lang nagkakaintindihan. Ganern.

Cheers to endless kilig Mahal. I love you. :*

Bago matulog...

0 comments

Medyo magulo itong blog ko kaya uunahan ko na kayo. Mahirap itong intindihin. Mahirap magblog ng pagod at antok.

Yung "On This Day" sa Facebook, malaking bagay. Nalalaman ko yung emosyon ko nung isang taon at nung mga nakaraan pa. Kanina, nabasa ko na exactly January 4, Madrid time na nagpost ako na pasasaan ba at yung mga sakripisyo ko, mapapalitan din ng saya. 

Yun din nararamdaman ko ngayon. Wala na talaga akong balak umuwi ng Pinas ngayong taon na ito but then, may biglang dumating. At dahil hindi handa, eto naghahapit ako. Working na 7days a week. Holidays na lang ang pag-asa para makapahinga. Unfortunately, ngayong January iisa na lang ang holiday. On February, wala na. March, 24 and 25 na lang. Then April, uuwi na ako. Uuwi na uli para magbakasyon. Umaasang mabibigyan ng oras ang kapatid ko sa pag-graduate nya ng grade six. At... Umaasang magkaka-oras kami ng boyfriend ko. 

Umaasa. Dahil hindi ko alam kung kailan talaga ang uwi nya. Maraming pwedeng mag-bago. Maaring magawan nya ng paraan, maaring hindi talaga pwedeng ipilit. 

Madami talaga akong nararamdaman ngayon. Excitement ang nauuna na may halong kaba. After. Year and few months makakabalik ako uli ng Pinas. 

Ang pag invest ng lupa, mas madali pa kaysa mag invest ng feelings at emotions at pagmamahal. Sugal kung sugal. Pag buminggo ka, congrats! Kung hindi naman, better luck next time. 
Kaso, hindi ko pwede i-connect ang lovelife ko sa Bingo. Sa Bingo, madaming naglalaro at naglalaban sa iisang premyo, ang lovelife ko, na-bingo ko na sya. Inaalagaan ko na lang. Andaming adjustments nga. Andami ko na din napatunayan sa sarili ko na kaya ko palang gawin na akala ko ay hindi ko magagawa ever! 

Natuto akong mag-control. Ng emosyon unang una. Noon, kapag galit ako, talagang galit at walang preno sa pagsasalita kahit sobrang nakakasakit na ako. Wala eh. Galit ako kasi nasaktan ako. Parang di ako makapagpatawad at makalimot ng ganun-ganun na lang. 

Pangalawa, nilulugar ko na ngayon ang tampo ko. Siguro dahil alam ko naman ang sitwasyon namin. Minsan lang nga kaming magkausap, tapos magtatampo pa ako. Pero sinasabi ko sakanya kapag tampo ako. At agad naman syang nagso-sorry. But still, ang galing pa rin. He understands me. Nauunawaan nya na sa dami ko ng nararamdaman, naghalu-halo na ang emosyon ko at sabi nya pati daw sa kanya naiinis na ako. Hehe. Hindi naman. KSP lang talaga ako sa mga taong mahalaga saakin. Gusto kong ma-feel kung anong halaga ko. Lahat naman yata ganon. Pero at least, di ako nang aaway. Nagsosorry pa rin ako. Bigayan. Ang sarap ng ganun. Menos stress. 

Pangatlo, nagcontrol ako sa sarili ko. Alam ko na kung paano ako gagalaw. Like, kinakausap ko ang sarili ko like "oye Jhevey, hinay hinay. Wag masyado." Kapag nararamdaman ko na na napapasobra. Lalo pag gusto ko mag express ng feelings sa Facebook (halimbawa lang). As in ang tagal kong nakababad at type-delete. Ang hirap eh. Mag eexpress lang naman ako ng nararamdaman kaso nacoconscious agad ako. Alam ko baka madami ng nauuya sa posts ko tungkol sa sarili kong experiences, sa magulang ko at kapatid ko at sa boyfriend ko. Maliit lang mundo ko kaya sakanila lang ako humuhugot ng lakas ng loob. 

Ilan lang yan sa natutunan ko. Madami pa dito pero hindi ko ilalahat. Medyo bibigay na din ang mga mata ko. Hehe. 
Mahilig talaga akong magsulat sulat ng ganito. Mahilig akong mag-kwento at magshare sa ganitong paraan. 
Dahil nga wala naman akong masyadong social life, sa ganitong paraan ako nakakapag express. Ang sarap sa feeling. Pag may nag-basa, salamat. Pag wala okay lang. Ang mahalaga, naishare ko. Naisulat ko. Hindi nag stay lang sa utak ko. Bukod dito may diaries at planner din ako. Yung friend ko, nag suggest na pangalanan ko daw ng name ng boyfriend ko yung diary ko. So lahat ng nararamdaman ko sakanya sinusulat ko dun. Effective. Haha.

Isang buntong hininga nga.
Haaaaaaay. 

Sa uulitin. Goodnight!