Medyo magulo itong blog ko kaya uunahan ko na kayo. Mahirap itong intindihin. Mahirap magblog ng pagod at antok.
Yung "On This Day" sa Facebook, malaking bagay. Nalalaman ko yung emosyon ko nung isang taon at nung mga nakaraan pa. Kanina, nabasa ko na exactly January 4, Madrid time na nagpost ako na pasasaan ba at yung mga sakripisyo ko, mapapalitan din ng saya.
Yun din nararamdaman ko ngayon. Wala na talaga akong balak umuwi ng Pinas ngayong taon na ito but then, may biglang dumating. At dahil hindi handa, eto naghahapit ako. Working na 7days a week. Holidays na lang ang pag-asa para makapahinga. Unfortunately, ngayong January iisa na lang ang holiday. On February, wala na. March, 24 and 25 na lang. Then April, uuwi na ako. Uuwi na uli para magbakasyon. Umaasang mabibigyan ng oras ang kapatid ko sa pag-graduate nya ng grade six. At... Umaasang magkaka-oras kami ng boyfriend ko.
Umaasa. Dahil hindi ko alam kung kailan talaga ang uwi nya. Maraming pwedeng mag-bago. Maaring magawan nya ng paraan, maaring hindi talaga pwedeng ipilit.
Madami talaga akong nararamdaman ngayon. Excitement ang nauuna na may halong kaba. After. Year and few months makakabalik ako uli ng Pinas.
Ang pag invest ng lupa, mas madali pa kaysa mag invest ng feelings at emotions at pagmamahal. Sugal kung sugal. Pag buminggo ka, congrats! Kung hindi naman, better luck next time.
Kaso, hindi ko pwede i-connect ang lovelife ko sa Bingo. Sa Bingo, madaming naglalaro at naglalaban sa iisang premyo, ang lovelife ko, na-bingo ko na sya. Inaalagaan ko na lang. Andaming adjustments nga. Andami ko na din napatunayan sa sarili ko na kaya ko palang gawin na akala ko ay hindi ko magagawa ever!
Natuto akong mag-control. Ng emosyon unang una. Noon, kapag galit ako, talagang galit at walang preno sa pagsasalita kahit sobrang nakakasakit na ako. Wala eh. Galit ako kasi nasaktan ako. Parang di ako makapagpatawad at makalimot ng ganun-ganun na lang.
Pangalawa, nilulugar ko na ngayon ang tampo ko. Siguro dahil alam ko naman ang sitwasyon namin. Minsan lang nga kaming magkausap, tapos magtatampo pa ako. Pero sinasabi ko sakanya kapag tampo ako. At agad naman syang nagso-sorry. But still, ang galing pa rin. He understands me. Nauunawaan nya na sa dami ko ng nararamdaman, naghalu-halo na ang emosyon ko at sabi nya pati daw sa kanya naiinis na ako. Hehe. Hindi naman. KSP lang talaga ako sa mga taong mahalaga saakin. Gusto kong ma-feel kung anong halaga ko. Lahat naman yata ganon. Pero at least, di ako nang aaway. Nagsosorry pa rin ako. Bigayan. Ang sarap ng ganun. Menos stress.
Pangatlo, nagcontrol ako sa sarili ko. Alam ko na kung paano ako gagalaw. Like, kinakausap ko ang sarili ko like "oye Jhevey, hinay hinay. Wag masyado." Kapag nararamdaman ko na na napapasobra. Lalo pag gusto ko mag express ng feelings sa Facebook (halimbawa lang). As in ang tagal kong nakababad at type-delete. Ang hirap eh. Mag eexpress lang naman ako ng nararamdaman kaso nacoconscious agad ako. Alam ko baka madami ng nauuya sa posts ko tungkol sa sarili kong experiences, sa magulang ko at kapatid ko at sa boyfriend ko. Maliit lang mundo ko kaya sakanila lang ako humuhugot ng lakas ng loob.
Ilan lang yan sa natutunan ko. Madami pa dito pero hindi ko ilalahat. Medyo bibigay na din ang mga mata ko. Hehe.
Mahilig talaga akong magsulat sulat ng ganito. Mahilig akong mag-kwento at magshare sa ganitong paraan.
Dahil nga wala naman akong masyadong social life, sa ganitong paraan ako nakakapag express. Ang sarap sa feeling. Pag may nag-basa, salamat. Pag wala okay lang. Ang mahalaga, naishare ko. Naisulat ko. Hindi nag stay lang sa utak ko. Bukod dito may diaries at planner din ako. Yung friend ko, nag suggest na pangalanan ko daw ng name ng boyfriend ko yung diary ko. So lahat ng nararamdaman ko sakanya sinusulat ko dun. Effective. Haha.
Isang buntong hininga nga.
Haaaaaaay.
Sa uulitin. Goodnight!
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment