"Nami-miss mong umiyak?"

"Nami-miss mong umiyak?"


Madalas kong maisip yan sa twing napapagod ako sa trabaho, sa twing naiisip kong ang hirap hirap mag-ipon at kitain ng pera tapos sa isang iglap, madaling magastos. Sa twing ang hirap ng buong maghapon at parang hindi nakiki-ayon ang tadhana. Na parang walang nangyareng tama. 
Sa twing inis na inis ako sa mga alaga ko na hindi makinig sakin, at sa twing male-late na ako pero kalmado pa rin. Nang minsang mag-selos ako, nang minsang miss na miss ko na ang boyfriend ko at nararamdaman ko kung gaano sya hirap sa trabaho, lalong lalo na kapag wala akong magawa kundi magtiis sa sitwasyong ganito.

Tinanong sakin yan ni Kerk.

Sinagot ko ng OO. Kasi kapag puro negatives ang nararamdaman ko, hindi na ako mapaiyak. Parang naubos na ang luha ko. 

Pero ang totoo, umiiyak naman ako. 

Sa twing papasok ako ng simbahan, sa twing magpapasalamat ako sa Panginoon sa mga bagay na mayroon ako ngayon, napapaiyak akong talaga. 

Na parang kailan lamang ay puro ako hinagpis sa buhay at lagi akong nanghihingi ng lakas ng loob sa Kanya para sa pang araw araw kong buhay at para malampasan ko ang sakit na nararamdaman ko noon... 

Ngayon naman...
Ganoon pa rin, humihingi pa rin ako ng awa sa Panginoon na malampasan ko palagi ang lahat ng ito at lakas pa rin ng loob ang hinihingi ko. Alam kong ibibigay nya yon. 

Napapaiyak ako sa saya at hindi sa lungkot. 

Natuto akong magtiwala sa Panginoon ng buo kaya may tiwala rin ako sa novio ko at sa pagkakataon.

Mahirap magsalita ng tapos...

Ayokong sabihin na hindi na ako takot masaktan, pero yung feeling na alam kong kaya kong malampasan dahil nandyan ang Panginoon? Walang imposible. 

Hindi nya ibibigay sa atin ng walang magandangdahilan. 

Mahal tayo ng Dios. Magtiwala lang tayo.

Etong LDR? Maganda na yung habang bata pa lang nagkakahiwalay na. Kaysa saka pa lang magaabroad kung kailan may mga anak na. 
Para saakin, napakagandang oportunidad ang ibinigay na ito ng Maykapal. 

Pagpalain tayo ng Dios sa araw araw. Marami tayong dapat ipag-pasalamat kaysa ipaghimutok sa buhay. Napaka bata pa natin para mamroblema sa mga bagay na simple lang naman at kayang kayang maresolbahan ng pananampalataya at pagdarasal.

Matuto tayong tanggapin ang ipinagkaloob sa atin at huwag ng tumingin sa mga kung anong mayroon ang iba. 

Ang malupet na LDR ay hindi ang magmahal sa malayo. Kundi ang magmahal sa hindi mo pa nakikita, pero pinaparamdam ang pagmamaha niya. Si Lord yun. 

Amen. 




0 comments: (+add yours?)

Post a Comment