2.35 AM
Hindi ako makatulog, pero kailangan ko matulog kasi mamaya,may byahe ako papuntang Toledo.
Nirecord ko tong blog ko na 'to sa phone ko kasi wala na 'kong time para mag-blog. Mapupuyat ako.
Nag celebrate kami ni Mama sa Cuatro Caminos ng New Year sa bahay ng mga pinsan ko. Feeling ko, masaya naman si Mama kasi dalawa lang nga kami sa bahay, maganda naman na may kasama rin kami.
May handa silang, spaghetti, dinakdakan, leche flan, pakbet, lechong kawali. Yung Mama ni Ate Cathy yung nag-prepare non.
Sya yung nag luto. Ang sasarap nga eh.
Ang galing. Tapos nag beer-beer rin kami. Cerveza con límon.
Mga bandang 11.11 PM, December 31, tumatawag ako kay Kerk kasi nga alam kong ganong oras yung free time nya sa oras ko. Advanced ako sa kanya ng 1hr. Naka-connect naman ako sa cabin, pero walang sumasagot so inisip ko na lang baka busy sya, yung kagaya nung pasko na parang straight ang work nya hanggang matapos ang new year. Saka hindi ko na rin masyadong pinilit kasi maingay din naman don sa bahay ng pinsan ko.
Mga 12minutes bago mag New Year dito, tumawag sya. Before pala sya tumawag,nag online muna sya pero basta na lang din sya nawala sa chat kaya ayun, tumawag. I am so happy, sobrang saya ko kasi naalala din nya ako. Sakto pa. Yung mga maliliit na bagay na nagagawa nya, ang sarap sa pakiramdam at naa-appreciate ko yun.
Yung 2015 ko talaga andami ko napagdaanan pero dinaanan ko lang tuloy pa rin ang buhay. Masaya ako na ganito yung naging ending ng 2015 ko at ganito ang magiging simula. Thank you so much Lord, I am feeling so blessed.
Tumawag din ako kay Kerk ng mga 16 minutes din yon kasi ako din naman yung may balak tumawag talaga at saka New Year naman.
5minutes bago ako mag record nito, tumawag ulit sya. Sinabi nyang pagod sya sa work at masakit na rin ang ulo nya.
Siguro humugot ng lakas ng loob. Dapat daw kasi feeling loved hindi feeling tired.
Ang galing talaga nya. Hehe.
Minsan feeling scared rin ako. Pero wala namang masama at hndi naman yung OA na takot to the point na wala na akong tiwala sa kanya. Para sakin maganda na yung may kaunting takot ka kaysa sobra mong kampante to the point na hindi ka na mag-e-effort. Kasi pag may takot ka, lalabanan mo yun at gagawin mo ang best mo. Para sakin, mas maganda yung may takot. Basta sapat lang at hindi sobra. As long as wala ka naman sinasakal na karelasyon at nasa sarili mo lang naman, then it's fine.
Hiningi ko sya kay God. Hindi ko maalala pero wala naman akong ibang lalakeng hiningi kay God before. Si Kerk lang.
Kasi nung naramdaman kong sya na talaga, sure na ko. Kasi gusto ko talaga ang personality nya. Yun ang kauna-unahan kong minahal sa kanya. I will not elaborate and enumerate kung anu-ano yong mga katangian nyang minahal ko pero yunh buong sya? pak na pak!
Naniniwala akong people change and people learn. Yes. Pero half half lang ang paniniwala ko. Kasi kung ano ka inborn, yun ka na hindi ka na magbabago.
Ang taong tamad, kapag natuto, matututo sya at magsisipag, pero tatamarin pa rin at babalik sa kung ano talaga sya kasi mahina ang foundation. Hindi sya talaga 'yon. Unlike kung talagang pinanganak kang may sipag sa katawan, whatever happens, tamarin ka man, magsisipag ka pa rin.
I hope you get the idea.
Closing this blog,
Yung 2015 ko talaga ay napaka adventurous. Yun ang tamang adjective.
Andami kong natutunan, panibagong chapter na naman, edad, experiences, lahat bago.
Above all, nagpapasalamat ako sa Panginoon for experiencing this. At sobra kong daming natutunan lalong lalo na para sa sarili ko.
I am leaving all the things behind, bad and good, see you all in my memories past na ang mga 'yun ngayon.
NP: Auld Lang Syne
0 comments: (+add yours?)
Post a Comment