LAGI MONG TATANDAAN

May boyfriend/girlfriend tayo.

Hindi lang natin kasama.

 Hindi lang natin palagi kausap.

Hindi lang natin palagi nakikita.

Hindi lang natin palagi nadadamayan.

Hindi lang natin palagi naiisip. (minu-minuto, segu-segundo)

Pero meron talaga.

Matapang ang loob natin.

Dahil alam nating nag-mamahal tayo ng totoo.

Dahil alam nating totoo tayo sa sarili.

Dahil alam nating parte ng buhay ang masaktan.

Dahil alam nating kasama sa buhay ang mag-tiis.

Dahil alam natin oras ang kalaban ko at hindi ang sarili natin.

Lalo't higit dahil malakas ang paniniwala natin sa PANGINOON nating MAHAL TAYO.


...


Sino bang may sabing madali?

Parang sa damit... kahit anong brand pa yan, NASA NAGDA-DALA YAN.

Parang sa pagluluto... kahit the best sa garnishing, NASA TIMPLA YAN.



Isang bagay na napatunayan ko, WALA SA TAGAL YAN.

Umpisa pa lang, mararamdaman mo na kung hanggang saan mo kaya, hanggang saan mo ipaglalaban, hanggang saan mo matitiis, hanggang gaano ka magmamahal.
RAMDAM mo 'yun.
ALAM mo 'yun.

At hindi mo maloloko ang sarili mo.


Pero hindi mo rin masasabi ang pagkakataon. Masasaktan ka. Masasaktan mo siya. Hindi nyo gugustuhin, pero mangayayari. Magbabago yan. Maya-maya may stress ka nang mararamdaman.
Stress changes people. Makikiramdam ka, feeling mo aayaw ka na.

Pero isang bagay lang...

Hangga't totoo pa rin tayo sa nararamdaman, maganda pa rin ang lahat ng kahihinatnan.


Hindi porke nasasaktan ka at pinagpapatuloy mo, eh tanga ka na.
Alam mo lang sa sarili mo na MAHAL MO PA.
Kaya ka nga hindi sumusuko dahil may ipinaglalaban ka.

Pero ingat din kasi kagaya nga ng sabi sa kanta ng Parokya:

¨Pero sana'y ipinaglalaban ka rin 'nya."


minsan mapapaisip ka. pero wag magpapadala sa emosyon porke't nasasaktan ka.

dahil laging kailangan na MAY BASEHAN KA.

WAG MONG PAKAKAWALAN LALO AT ALAM MO NAMANG MAHAL KA TALAGA AT PINAPARAMDAM SA'YONG MAHALAGA KA.




0 comments: (+add yours?)

Post a Comment