SAYANG! PERO OKAY LANG! :)

Ilang years na ba tayong hindi nagkikita ng personal.

2nd year high school pa yung last na malinaw sa alaala ko eh. Bata pa tayo nun at kahit nga po yung hitsura ko noon hindi ko na rin maalala.

Noon pa naman ang bait mo na saken. At ang bait ko na din sayo.

Pero konti lang naman talaga ang maalala kong alaala sa'yo.

Pero nagtataka ako kasi, hanggang ngayon  tandang-tanda mo pa kung gaano kasakit yung kurot ko sa'yo dahil sa kaingayan mo. Pati na ang mga pangongopya mo sa akin kapag may exams at homeworks tayo.

Tapos ayun. 3rd year, hindi na kita kaklase. Tuloy lang ang buhay.

Hindi naman tayo best friends.

Hindi naman tayo solid na tropa.

Kaya hindi tayo naapektuhan sa pagkakalayo nating dalawa.

Para lang tayong mga strangers noon na magkatabi sa upuan sa klase.

Yun lang. Hanggang dun lang.
***

Sa lovelife.

Ang dami ng babaeng lumampas sa buhay mo. Sakin naman, wala pa sa 3/4 ng sa'yo. Pero dahil sabi nila good keeper daw ako, kaya nagtatagal ng years. 6 months, tapos may 2 years and 6 months, tapos may 3 years and 10 months.
Tapos yung sa'yo naman, months lang. 10 months pinaka matagal di ba? On and off pa. Hehe.

Mula't sapul, ang tingin ko kasi sa pakikipag relasyon eh paghahanap ng makakasama mo habambuhay hirap man o sa ginhawa. Hindi naman dahil sa stick-to-one ako. Meron lang talaga akong pananaw na ganito. Promise. Yun nga lang kahit na nagtatagal ng years, habang tumatagal rin, nalalaman kong hindi sila ang gusto kong makasama. Hindi sila ang para saakin. Buti na lang sumuko ako sa kanila. Kahit na nasa ibang level ng relasyon na.

Ikaw, lalake ka. Alam ko namang nagseryoso ka rin sa kanila. Pero hindi ka yata nila kinaya. Buti na lang nga talaga eh sinukuan ka nila.
Kasi ngayon, alam ko sa sarili kong ikaw, kaya kita.

Ang aga kong sabihin 'to no? Eh babago pa lang tayo. Kung tutuusin nga hindi pa talaga tayo nagkakasama talaga.
Pero dahil nga our mental connection is to the maximum level... aba sure na ako.
Di ba nga, love has no measuremets.
Age, Height, Weight, Time and Distance, numbers lang 'yan.

Hindi naman ako excited kaya ko nasasabi to. Malaki lang talaga yung tiwala ko sa panahon. Sa pagkakataon. At sa tadhana. Hindi naman kase tayo magkakasalubong lang ng para sa wala.

Siguro, kaya tayo nagkalayo noong bata pa tayo dahil may dahilang maganda.
Siguro dahil nga ang kulit rin natin sa klase, baka nagka-developan rin tayo nun.
At baka dumaan lang din tayo sa buhay ng isa't isa. O baka hindi tayo magtagumpay ng kahit konti sa mga pangarap natin hindi ako maka-graduate ng college at ikaw naman hindi ka nakapag chef sa Cebu.
O kaya naman ay hindi tayo makapag-abroad dahil maaga tayong nagka-pamilya. Di ga? Maraming pwedeng nangyari noon na napigilan ng tadhana. Dahil hindi pa 'yun ang tama.

Lakas ng imagination ba? Pero hindi nga. Malay mo.

Pero SAYANG.

Parehas lang tayong taga Agoncillo. Hindi naman sobrang layo ng bahay nyo.
Parehas lang tayong iisa ng University.
Pero ni minsan, hindi tayo nagka-banggaan kahit ngitian man lang.
Sayang yung noon na pede pa rin sana tayong magkakilala para magkasama tayo ng mas maaga at para mangarap ng sabay.
Pero siguro nga, hindi pa rin yun ang tamang tyempo. Haha. Kasi yun nga, iniiwas tayo siguro ng tadhana.

Pero sayang. Sana hindi na lang din ako nagkamali sa ibang tao. Sana ikaw na lang yung matagal na naging karelasyon ko.
Pero okay lang...kasi ngayon, natuto na ko..natuto na tayo.

Dahil dyan sa pagmamahal tayo nagsisimulang bumangon. Dahil sa pagmamahal, may dahilan tayo sa pag-gising natin tuwing umaga.

At sabi nga ng post ng friend ko sa FB,

Ang tunay na saya ay dahil sa tunay na pag-ibig.

Hindi tayo nagkasama ng matagal noon
Kailangan pa pala nating umalis sa Pinas para magtagpo uli. Internet/Facebook world pa.

Sayang! Pero Okay lang!




0 comments: (+add yours?)

Post a Comment