Everywhere I see him (late published 10.01.16)

January 5, 2016. That's the last day he's online on Facebook.
I was a little hurt na hindi kami nagka-video call. I can't insist. Maliit lang yung 500mb data nya for a videocall. Mauubos agad 'yon in less than a day.
He never explained though. Pero alam ko na yun kahit di nya sabihin.

Ganun kami magkaunawaan parang lagi na lang Automatic. Kahit miss na miss ko na sya at gusto ko rin syang makita.

Pero pagdating sa ibang bagay like "Bakit mo ni-like yung picture ng ex mo? Wala namang problema sakin kung friend mo. Tignan mo na lang bakit ila-like mo pa?"
(Haha.. Eh ako kasi wala akong friend na ex ko. At di ako happy sa mga ganung ila-like pa. Tignan na lang d ba. Di ko naman pina-unfriend pero sya yung nag unfriend. LOL.)
Eh ayun nagpapaliwanag sya kahit nauunawaan ko naman. Ganon kasi mga lalake. Minsan wala naman talagang dahilan pero nagagawa nila. Parang wala lang, napa-like lang. Pag natatapat na may toyo ako napapansin ko mga ganang bagay. 😂 i mean, di ko pala pinapalampas kahit na alam kong nauunawaan ko rin. Masakit din po kaya.

Anyways, yun nga. Ang tagal na namin hindi nagkikita. December 31 pa yung last. Grabe. 10 days na from that day. Ang hirap. Buti na lang kahit papano, everyday may text sya. That's enough for me. Sobrang nakakatulong yon. Pero kahit may text everyday (isa or dalwa) miss na miss ko pa rin sya. Iba pa rin. Gusto ko syang damayan sa araw araw at alam kong ganoon rin sya saakin.

I love him so much it hurts.

As in... kahit saan ako magpunta, knowing na nagluluto talaga sya lagi ko syang naaalala. Sa knife, kawali, kaldero, apron, pot holder, baso, kutsrara, tinidor, at lalong lalo na ho sa mga gulay. Minsan nga napapagusapan din namin yang mga gulay na yan dahil medyo may mga bago sa amin. Hehe. Wala naman yung iba sa Pinas eh.
May pinakita pa sya saakin na kalabasa na size lang ng 5peso coin. Haha. Ang cute nga.

Everyday naaalala ko sya hanggang sa minsan hindi ko na lang din pinapansin yung nararamdaman ko kasi nga ang hirap kumilos. Sobra. Akala ko nga kapag nasa kusina lang ako ska ko sya maaalala madalas. Doon pala ako nagkamali.

Habang naglilinis ako ng sala ng amo ko, nakita ko yung magazine ng barko. Grabe. Nagpause yung lahat lahat. Hindi ko kayanin yung pagka-miss na naramdaman ko. Nanlambot ako na nanlumo. Bakit ganon. Napapaisip ako minsan kung bakit ganitong emosyon yung madalas kong maramdaman sakanya. Hindi pa naman kami uli nagkikita matapos ang mahabang panahon. Hindi din kami nagkasama sa Pinas. Tapos ngayon, ganito ako sa kanya. Na parang ang tagal ko na syang karelasyon, na parang ang laking parte agad ng buhay ko ang kabahagi nya.

True love? Twin soul? Soulmate? Destiny?

We will see.

0 comments: (+add yours?)

Post a Comment